Answering Trinitarians
+2
bakal
Light Bearer!
6 posters
Page 1 of 1
Answering Trinitarians
Bagaman ang paksa ay may kinalaman sa Trinidad. Minabuti ko po itong ilagay sa ilalim ng Makakasulatang Monoteismo upang magkaroon ng kaayusan hinggil sa mga sagot na nararapat sa mga "Patotoong Teksto" di-umano sa doktrina ng Trinidad at gayundin sa mga paratang nila. Kaya naman hinihingi ko po ang inyong partisipasyon hinggil sa bagay na ito.
Unang paksang tatalakayin ay hinggil sa talatang Genesis 1:1 at sa terminong "Elohim". Ang talatang ito di-umano ay nagpapatunay na ang Diyos ay binubuo ng higit sa isang persona dahil sa paggamit ng terminong "Elohim" sa salitang Diyos. Sa puntong ito, ano ang pangmalas ng "Makakasalutang Monoteismo" hinggil sa bagay na ito?
Pakisagot mga kasama!
Ang inyong kapatid sa himpapawid
Bro.N -JWAIMB
Unang paksang tatalakayin ay hinggil sa talatang Genesis 1:1 at sa terminong "Elohim". Ang talatang ito di-umano ay nagpapatunay na ang Diyos ay binubuo ng higit sa isang persona dahil sa paggamit ng terminong "Elohim" sa salitang Diyos. Sa puntong ito, ano ang pangmalas ng "Makakasalutang Monoteismo" hinggil sa bagay na ito?
Pakisagot mga kasama!
Ang inyong kapatid sa himpapawid
Bro.N -JWAIMB
Light Bearer!- Baguhan
- Location : Bagumbayan Taguig
Posts : 9
Join date : 2012-08-01
Re: Answering Trinitarians
interesting topic ito, gusto ko marinig ang side ng mga Trinitarians dito.
bakal- Baguhan
- Location : cavite
Posts : 2
Join date : 2012-08-01
Re: Answering Trinitarians
Hayaan natin ang mga Trinitarians sa kanilang bahay, samantala, ano ang pananaw ng mga naniniwala sa "Makakasulatang Monoteismo" hinggil dito?
Light Bearer!- Baguhan
- Location : Bagumbayan Taguig
Posts : 9
Join date : 2012-08-01
Re: Answering Trinitarians
Light Bearer! wrote:Bagaman ang paksa ay may kinalaman sa Trinidad. Minabuti ko po itong ilagay sa ilalim ng Makakasulatang Monoteismo upang magkaroon ng kaayusan hinggil sa mga sagot na nararapat sa mga "Patotoong Teksto" di-umano sa doktrina ng Trinidad at gayundin sa mga paratang nila. Kaya naman hinihingi ko po ang inyong partisipasyon hinggil sa bagay na ito.
Unang paksang tatalakayin ay hinggil sa talatang Genesis 1:1 at sa terminong "Elohim". Ang talatang ito di-umano ay nagpapatunay na ang Diyos ay binubuo ng higit sa isang persona dahil sa paggamit ng terminong "Elohim" sa salitang Diyos. Sa puntong ito, ano ang pangmalas ng "Makakasalutang Monoteismo" hinggil sa bagay na ito?
Pakisagot mga kasama!
Ang inyong kapatid sa himpapawid
Bro.N -JWAIMB
Pagbati para sa lahat!
Narito po ang aking nakalap sa pagsusuri:
Ang salitang Hebreo na "Elohim", isinasaling "Diyos/diyos" sa tagalog, ay lumilitaw sa anyong PANGMARAMIHAN, at tulad ibang mga salita, ito ay nagtataglay na mahigit sa isang kahulugan. Maaari itong gamitin sa pangmaramihang diwa nito gaya ng "mga diyos" o "mga lalaking may awtoridad," at sa pang-isahang diwa naman para sa "Diyos," "diyos," o "lalaking may awtoridad, gaya ng isang hukom."
Ang Hebreong Lexicon nina Brown, Driver at Briggs, na minamalas ng karamihan bilang ang isa sa pinakamaasahang lexicon na makukuha sa ngayon, sa pangunahing pagpapakahulugan nito sa salitang ELOHIM ay kababasahan ng:
אלהים
'ĕlôhı̂ym
BDB Definition:
1) (plural)
1a) rulers, judges
1b) divine ones
1c) angels
1d) gods
Sa karamihan ng mga talata sa Banal na Kasulatan, ang ELOHIM ay isinasaling "mga diyos." Halimbawa, sa Genesis 35:2 [NWT] ay ganito ang mababasa:
"Nang magkagayon ay sinabi ni Jacob sa kaniyang sambahayan at sa lahat ng kasama niya: “Alisin ninyo ang mga banyagang diyos na nasa gitna ninyo at magpakalinis kayo at palitan ninyo ang inyong mga balabal,"
Sa Ingles ay:
"Then Jacob said to his household and to all who were with him: “Put away the foreign gods that are in the midst of YOU and cleanse yourselves and change YOUR mantles,"
Pansinin ang mga diin. Sa Exodo 18:11 ay ganito naman:
"Now I do know that Jehovah is greater than all the [other] gods by reason of this affair in which they acted presumptuously against them."
Isinalin naman itong "mga hukom" sa Exodo 21:6; 22:8 at 9. Isinalin itong "mga anghel" [angels KJV] o "heavenly beings" [NIV] sa Awit 8:5. Iyan ang pangmaramihang gamit nito, sabihin pa, HINDI ito kailanman nagpapahiwatig na itong "mga diyos" o "gods" na ito ay para bang mayroon silang higit sa iisang persona sa kanilang sarili.
Ano pa ang mga patotoo? Sa Hukom 6:31, ginamit din ang salitang ELOHIM, lamang ay ikinapit sa huwad na diyos na si Baal. Sa Exodo 7:1 ay tinukoy naman si Moises na "ginawang diyos kay Paraon." Muli sa Hukom 11:24, ang paganong diyos na si Chemosh ay tinawag na ELOHIM, at sa 1 Samuel 5:7, ang paganong diyos na si Dagon ay tinawag ding ELOHIM. Subalit mayroon bang mangangahas na magsasabing sila ay binubuo ng tatlong persona? Maliwanag pa sa bolang kristal, ang sagot ng isang TUNAY NA NAGSUSURI AT NAGPAPAHALAGA SA KATOTOHANANG SINASABI NG BANAL NA KASULATAN ay isang malutong na HINDI!
"Be wise, my son, and make my heart rejoice, that I may make a reply to him that is taunting me." - Proverbs 27:11 NWT
nobody- Napapadalas
- Location : The Great Void
Posts : 58
Join date : 2012-08-01
Re: Answering Trinitarians
Maraming salamat sa tugon mo bakal. Ngayon, karagdagang patotoo ng mga naniniwala sa Trinidad ay ang tekstong Genesis 1:26,27 na doo'y binabanggit ang mga katagang "Lalangin NATIN ang tao..." na nagpapatunay di umano na ang Diyos bagaman IISA ay binubuo ng higit sa isang persona. Paano kung gayon natin ito maaring masagot?
Light Bearer!- Baguhan
- Location : Bagumbayan Taguig
Posts : 9
Join date : 2012-08-01
Re: Answering Trinitarians
Ayon sa aking napag-alaman, ang mga salitang "NATIN" at "ATING" sa Genesis 1:26 ay minamalas pala ng mga tagapagtaguyod ng Trinidad na sumusuporta sa kanilang tri-personal God o tatlong personang Diyos. Yamang ito daw ay nasa pangmaramihang anyo, ito daw ay nagpapahiwatig ng isang Diyos Trinidad. Totoo nga ba ito? Ang walang-bahid-ng-pagkiling na sagot ay HINDI. Tunghayan ang mga patotoo na ating tatalakayin.Light Bearer! wrote:Maraming salamat sa tugon mo bakal. Ngayon, karagdagang patotoo ng mga naniniwala sa Trinidad ay ang tekstong Genesis 1:26,27 na doo'y binabanggit ang mga katagang "Lalangin NATIN ang tao..." na nagpapatunay di umano na ang Diyos bagaman IISA ay binubuo ng higit sa isang persona. Paano kung gayon natin ito maaring masagot?
Pansinin na ang salitang Hebreo na "nah-ah-seh" na makikita sa Genesis 1:26 ay makikita rin sa isa pang ulat:
"Go to, let us build us a city and a tower whose top may reach unto heaven; and LET US MAKE (nah-ah-seh) us a name, lest we be scattered abroad upon the face of the whole earth." Genesis 11:4 [King James Version]
Sino ang mangangahas na magsasabing ang tinutukoy ng talata ay multi-personal na indibiduwal? Dito palang nakikita na natin na ang kinatatayuan ng doktrina ng Trinidad ay nasa marupok na kalagayan. Papaano pa nila sasagutin ang ilan na nagsasabing kausap ng Diyos ang mga anghel batay sa Job 38:1-7? Gayundin ang posisyon ng ilan na nagsasabing kausap dito ng Diyos ang kaniyang Anak bilang isang hiwalay na indibiduwal batay sa Apocalipsis 3:14?
Marami pang patotoo ang nakaantabay lamang, sa ngayon, ito nalang muna ang aking maipaglilingkod.
Ang maliwanag dito, walang tiyak na kapahayagan o patotoo ang makukuha sa Genesis 1:26 na aalalay sa doktrina ng Trinidad!
nobody- Napapadalas
- Location : The Great Void
Posts : 58
Join date : 2012-08-01
Re: Answering Trinitarians
Bilang karagdagan sa Gen. 1:26 mababasa ang pananalitang "SINABI NG DIYOS" na nangangahulugang may sinasabihan, at ang sabi sa sinasabihan: "Lalangin natin".
Malinaw na ating mapupuna na ang Pagkasalin ng salitang "Elohim" sa Gen. 1:26 ay nasa anyong "Diyos" samakatwid bagay "singular" dahil kung "plural" sanay "mga diyos" dapat ang mababasa.
Singular = Diyos (God)
Plural = mga diyos(god's)
nangangahulugan lamang na Singular lamang ang Nagsasalita hindi Marami kaya naman pahiwatig ito na yung sinabihan ng "LALANGIN NATIN" ay hindi ang Diyos(singular) na nagsasalita.
Magkaiba ang "Nagsalita" sa "Pinagsalitaan".
At ang nagsalita ay "Singular", samakatwid bagay Ang Diyos, kaya naman Hindi pupwedeng ang "Sinasabihan" o "Pinagsasalitaan" ay kasalo sa PagkaDiyos nung Isa na "Nagsasalita" sapagkat Paanong makikisalo e, singular nga lang ang Pagkakasalin.
Kaya itoy patunay lamang na walang pahiwatig ng Turong Trinidad sa talatang iyan.
Malinaw na ating mapupuna na ang Pagkasalin ng salitang "Elohim" sa Gen. 1:26 ay nasa anyong "Diyos" samakatwid bagay "singular" dahil kung "plural" sanay "mga diyos" dapat ang mababasa.
Singular = Diyos (God)
Plural = mga diyos(god's)
nangangahulugan lamang na Singular lamang ang Nagsasalita hindi Marami kaya naman pahiwatig ito na yung sinabihan ng "LALANGIN NATIN" ay hindi ang Diyos(singular) na nagsasalita.
Magkaiba ang "Nagsalita" sa "Pinagsalitaan".
At ang nagsalita ay "Singular", samakatwid bagay Ang Diyos, kaya naman Hindi pupwedeng ang "Sinasabihan" o "Pinagsasalitaan" ay kasalo sa PagkaDiyos nung Isa na "Nagsasalita" sapagkat Paanong makikisalo e, singular nga lang ang Pagkakasalin.
Kaya itoy patunay lamang na walang pahiwatig ng Turong Trinidad sa talatang iyan.
Athariz- Baguhan
- Age : 33
Posts : 1
Join date : 2014-05-05
Re: Answering Trinitarians
Pero paano natin sasagutin ang hinggil sa iisang kalikasan at sinasabi nilang ang kalikasang iyon ay ang Diyos. Kaya iisa silang Diyos! Tama ba?
Verbi Dei Minister- Baguhan
- Posts : 6
Join date : 2012-07-31
Re: Answering Trinitarians
Pwede pong pakilinaw yang Kalikasan, yun po bang "Anyong Diyos"?
Elihu- Baguhan
- Posts : 3
Join date : 2014-05-05
Page 1 of 1
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum