IN LIGHT OF THE SCRIPTURES
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Sampung Utos!

Go down

Sampung Utos! Empty Sampung Utos!

Post by Verbi Dei Minister Thu Aug 02, 2012 6:50 am

Paano kayo mapapailalim sa Kautusang iyon kung kayo ay sa Bundok ng Sinai nang ibigay ang kautusang iyon? Totoo, wala kayo doon nang personal, subalit ang inyo bang mga ninuno ay nangaroon sa pagbibigay ng Sampung Utos sa buwan ng Mayo mga taong 1513 BCE? Sa huling katanungang ito ang likas na mga Jusio at mga Israelita ay sasagot ng Oo. Sila ay tama!

Ngayon, ang kautusan ba ay kumapit bago nang kapanahunan ni Moises? Ganito po ang mababasa natin sa Roma 5:13,14: "Hanggang dumating ang Kautusan ang kasalanan ay nasa sanlibutan, subalit ang kasalanan ay hindi ipinapataw kaninuman kung walang kautusan. Gayon pa man, ang kamatayan ay nagpuno bilang hari mula kay Adan hanggang kay Moises [sa mga makasalanan]".

Tandaan, ang tipang kautusan na pinamagitanan ni Moises ay sumasakop sa lahat ng mga inapo niyaong mga Israeilita na tuwirang pumasok sa tipan sa Diyos sa bundok ng Sinai o Horeb. Iyon ang dahilan kung bakit si Jesus na ipinangananak ni Maria na isang birheng Judio, ay ipinanganak sa ilalim ng Kautusan bilang isang Judio, na siya'y tinuli nang ikawalong araw. Ito ay hindi kalugihan sa kaniya, sapagkat bilang isang sakdal na tao na ang buhay ay nagmula sa langit, si Jesus ay nagkaroon gn kakayahan na ingatan ang Kautusan nang may-kasakdalan anupat ipnahayag siyang matuwaid ng Kautusan at karapatdapat sa buhay na walang hanggan.
Verbi Dei Minister
Verbi Dei Minister
Baguhan

Posts : 6
Join date : 2012-07-31

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum