IN LIGHT OF THE SCRIPTURES
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Kaligtasan!

5 posters

Go down

Kaligtasan! Empty Kaligtasan!

Post by Lord Andrew Mon Aug 06, 2012 3:59 pm

Ano ang dapat mong gawin para mapatawad sa mga kasalanan at maligtas?
Lord Andrew
Lord Andrew
Baguhan

Posts : 22
Join date : 2012-08-06

Back to top Go down

Kaligtasan! Empty Re: Kaligtasan!

Post by Lord Andrew Tue Aug 07, 2012 5:58 am

Lord Andrew wrote:Ano ang dapat mong gawin para mapatawad sa mga kasalanan at maligtas?
Dagdag ko lang sa tanong sa itaas, ano ang pangalan na ibinigay ng Diyos para sa ikaliligtas ng sanglibutan?
Lord Andrew
Lord Andrew
Baguhan

Posts : 22
Join date : 2012-08-06

Back to top Go down

Kaligtasan! Empty Ano ba ang Gagawin upang Mapatawad ang Kasalanan at Maligtas?

Post by Nagsusuri Tue Aug 07, 2012 7:26 pm

Lord Andrew wrote:Ano ang dapat mong gawin para mapatawad sa mga kasalanan at maligtas?

Kapayapaan po ang sumaating lahat, mga kapatid at mga kaibigan.


Ano po ba ang dapat nating gawin para mapatawad sa'ting mga kasalanan at maligtas? Tanungin po natin ang Biblia.

Una muna nating tanungin, Saan ba nakabatay ang kaligtasan ng mga sumasampalataya? Basahin po natin ang Roma 1:16.

Sapagka't hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka't siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa't sumasampalataya; una'y sa Judio, at gayon din sa Griego.

Maliwanag po ang nasa talata, na ang evangelio ang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawat sumasampalataya. Samakatuwid, sa mga sumasampalataya kay Kristo, kinakailangan ang evangelio upang sila'y maligtas. Meron pa po ba tayong patunay, na ang evangelio ang dapat pagbatayan natin ng kaligtasan? Basahin po natin ang I Corinto 15:1-2.

Ngayo'y ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang evangelio na sa inyo'y aking ipinangaral, na inyo namang tinanggap, na siya naman ninyong pinananatilihan,
Sa pamamagitan naman nito'y ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo
, maliban na kung kayo'y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan.


Kaya, maliwanag po na nakabatay sa evangelio ang kaligtasan ng mga sumasampalataya sa panahong ito. Maliwanag na ating nabasa sa Biblia na ang evangelio ang siyang batayan ng ating kaligtasan. Ang susunod na tanong ay, Ano ba ang evangelio, na tinutukoy ng Biblia, na siyang pagbabatayan natin ng ating kaligtasan? Basahin po natin ang I Juan 1:1-3.

Yaong buhat sa pasimula, yaong aming narinig, yaong nakita ng aming mga mata, yaong aming namasdan, at nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay;
(At ang buhay ay nahayag, at aming nakita, at pinatotohanan, at sa inyo'y aming ibinabalita ang buhay, ang buhay na walang hanggan, na kasama ng Ama at sa atin ay nahayag);
Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesucristo:


Ang evangelio po kasi, mabuting balita. At ano itong mabuting balita? Ang ibinabalita ng mga Apostol ni Hesus. Ano ang ibinabalita ng mga Apostol? Ang kanilang nakita at narinig, tungkol sa salita ng buhay, na ito'y ang ating Panginoong HesuKristo. Ano ang isa sa mga narinig ng mga Apostol sa ating Panginoong HesuKristo? Basahin po natin ang Mateo 28:19-20.

Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:
Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.


Samakatuwid, isa sa mga bagay na nasa evangelio ay ang kautusan ni Kristo, sapagkat sinabi niya, "ituro ninyo sa kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniuutos ko sa inyo." Meron ba tayong patotoo na may Kautusan nga ang ating Panginoong HesuKristo? Basahin po natin ang Galacia 6:2.

Mangagdalahan kayo ng mga pasanin ng isa't isa, at tuparin ninyong gayon ang kautusan ni Cristo.

Kaya, dapat ho nating tanggapin na bahagi ng evangelio, na siyang batayan natin para maligtas, ang kautusan ng ating Panginoong HesuKristo para tayo ay maligtas.

Dadako po tayo sa tanong na "Ano ang dapat mong gawin para mapatawad sa mga kasalanan at maligtas?"
Basahin natin ang Gawa 2:38.

At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.

Maliwanag po ang nakasulat, "magsisi kayo, at magbautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni HesuKristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan."

Ano naman ang gagawin upang maligtas? Sa Gawa 16:31 ganito ang nasusulat.

At kanilang sinabi, Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan.

Unang-una po nating gawin para maligtas ay ang pagsampalataya sa ating Panginoong HesuKristo. Sapat na ba ang pananampalataya upang maligtas? Basahin po natin ang I Corinto 13:13.

Datapuwa't ngayo'y nanatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; nguni't ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig.

Kaya, upang maligtas, kailangan ng pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig.



Hanggang dito na lamang po pansamantala, at maraming salamat.
Nagsusuri
Nagsusuri
Nahihilig

Posts : 187
Join date : 2012-08-07

Back to top Go down

Kaligtasan! Empty Re: Kaligtasan!

Post by Nagsusuri Tue Aug 07, 2012 7:33 pm

Lord Andrew wrote:
Lord Andrew wrote:Ano ang dapat mong gawin para mapatawad sa mga kasalanan at maligtas?
Dagdag ko lang sa tanong sa itaas, ano ang pangalan na ibinigay ng Diyos para sa ikaliligtas ng sanglibutan?

Maliwanag po ang sinasaad ng Gawa 4:10-12.
Talastasin ninyong lahat, at ng buong bayan ng Israel, na sa pangalan ni Jesucristo ng taga Nazaret, na inyong ipinako sa krus, na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay, dahil sa kaniya ay nakatindig ang taong ito sa inyong harap na walang sakit.
Siya ang bato na itinakuwil ninyong mga nagtayo ng bahay, na naging pangulo sa panulok.
At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.
Nagsusuri
Nagsusuri
Nahihilig

Posts : 187
Join date : 2012-08-07

Back to top Go down

Kaligtasan! Empty Re: Kaligtasan!

Post by ask Thu Aug 09, 2012 6:30 am

Upang mapabilang sa mga taong makaliligtas, kailangan mapasulat ang isa sa "Aklat ng Ala-ala ng Tunay na Diyos".

Paano ba tayo mapapasulat sa Aklat na iyon?


(Malakias 3:16) Nang panahong iyon ay nagsalita sa isa’t isa yaong mga natatakot kay Jehova, bawat isa ay sa kaniyang kasamahan, at si Jehova ay patuloy na nagbigay-pansin at nakinig. At isang aklat ng alaala ang pinasimulang isulat sa harap niya para sa mga natatakot kay Jehova at para sa mga palaisip sa kaniyang pangalan.

Kailangan ang Maka-Diyos na pagkatakot, at dapat na Palaisip sa Pangalang ng Tunay na Diyos na si Jehova.

Tama naman na tanging sa panginoong Jesus lamang ibinigay ang paraan ng kaligtasan ng mga tao sa dahilang siya lamang ang Sinugo ng kaniyang Diyos at Ama.

(Juan 14:6) 6 Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Ako ang daan at ang katotohanan at ang buhay. Walang sinumang makaparoroon sa Ama kundi sa pamamagitan ko.

Pansinin na ang panginoong Jesus ang Daan.
Mayroon tayong Dapat Paroonan.
Hindi tayo dapat manatili na lang sa Daan.
Magiging walang saysay ang Daan, kung di natin gagamitin ng Wasto.
Ang daan ay magiging walang kabuluhan kung di tayo tutungo sa dapat Paroonan.

Sino ang Paroroonan natin?

(Juan 14:6) . . .Walang sinumang makaparoroon sa Ama kundi sa pamamagitan ko. . .

Kaya, ang sukdulan ng kaligatasan at ang pinagmumulan nito, at naging dahilan kung bakit may nagkaroon ng "Daan"(Jesus) ay ang Diyos at Ama ng panginoong Jesus.

(Joh 20:17 TAB) Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios.

Mahalaga sa Kaligtasan ang Daan, subalit pinakamahalaga ang Paroroonan.

Ang Diyos na Jehova.

(Juan 17:3) Ito ay nangangahulugan ng buhay na walang hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging tunay na Diyos, at sa isa na iyong isinugo, si Jesu-Kristo.


Magandang Tanghali po.





ask
Baguhan

Posts : 11
Join date : 2012-08-07

Back to top Go down

Kaligtasan! Empty Re: Kaligtasan!

Post by celso Tue Aug 14, 2012 4:51 pm

Psalm 37:39
Young's Literal Translation (YLT)
39 And the "salvation" of the righteous [is] from Jehovah, Their strong place in a time of adversity.

Romans 10:13 -
New Heart English Bible: Jehovah Edition
10:13 For, "Whoever will call on the name of Jehovah will be saved." Joel 2:32

Rhomaios Chapter 10
Hebraic-Tranliteration-Scripture.
10:13 For whosoever shall call upon The Name YHWH shall be saved.

MALIWANAG na ang KALIGTASAN ay nakasalalay sa Pangalan ng Diyos na Jehovah.

celso
Baguhan

Posts : 47
Join date : 2012-08-01

Back to top Go down

Kaligtasan! Empty Re: Kaligtasan!

Post by nobody Thu Aug 16, 2012 5:38 am

Nais ko lang susugan ang poste ni celso.

Awit 106:8 - At iniligtas niya sila alang-alang sa kaniyang pangalan, Upang ihayag ang kaniyang kalakasan.

nobody
nobody
Napapadalas

Location : The Great Void
Posts : 58
Join date : 2012-08-01

Back to top Go down

Kaligtasan! Empty Re: Kaligtasan!

Post by nobody Tue Aug 21, 2012 3:11 am

nobody wrote:Nais ko lang susugan ang poste ni celso.

Awit 106:8 - At iniligtas niya sila alang-alang sa kaniyang pangalan, Upang ihayag ang kaniyang kalakasan.


Dagdagan ko lang po ang patotoo:

"Sapagka't kaniyang inilagak ang kaniyang pagibig sa akin, kaya't iniligtas ko siya: aking ilalagay siya sa mataas, sapagka't kaniyang naalaman ang pangalan ko." - Awit 90:14
nobody
nobody
Napapadalas

Location : The Great Void
Posts : 58
Join date : 2012-08-01

Back to top Go down

Kaligtasan! Empty Re: Kaligtasan!

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum