IN LIGHT OF THE SCRIPTURES
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT?

+4
nobody
ask
Lord Andrew
stick-to-one
8 posters

Page 1 of 2 1, 2  Next

Go down

PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT? Empty PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT?

Post by stick-to-one Thu Aug 09, 2012 7:38 am

Mga sir, ito po ang inilatag na talata ni sir Lord Andrew na isang Catholic:

Ganito po ang mababasa sa inyong sariling translation ng Bible.

Isaiah 40:3
Listen! Someone is calling out in the wilderness: “Clear up the way of Jehovah, YOU people! MAKE the highway for our God through the desert plain straight.

Ngayon ang tanong ko po, ayon sa inyong New World Translation, sino po darating?

Isa sa mga solidong talata na nagpapatunay na si JEHOVAH ng OT ay si JESUS ng NT.
stick-to-one
stick-to-one
Baguhan

Posts : 6
Join date : 2012-08-09

Back to top Go down

PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT? Empty Re: PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT?

Post by Lord Andrew Thu Aug 09, 2012 8:32 am

stick-to-one wrote:Mga sir, ito po ang inilatag na talata ni sir Lord Andrew na isang Catholic:

Ganito po ang mababasa sa inyong sariling translation ng Bible.

Isaiah 40:3
Listen! Someone is calling out in the wilderness: “Clear up the way of Jehovah, YOU people! MAKE the highway for our God through the desert plain straight.

Ngayon ang tanong ko po, ayon sa inyong New World Translation, sino po darating?

Isa sa mga solidong talata na nagpapatunay na si JEHOVAH ng OT ay si JESUS ng NT.
Ano po kaya ang masasabi nila dito? afro
Lord Andrew
Lord Andrew
Baguhan

Posts : 22
Join date : 2012-08-06

Back to top Go down

PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT? Empty Re: PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT?

Post by ask Thu Aug 09, 2012 8:37 am

Ang sagot ko ay Hindi.

Sapagka’t si Jesus ay kumatawan sa kaniyang Ama. Naparito siya sa pangalan ng kaniyang Ama at natitiyak niyang laging nasa kaniya ang Ama niya dahil sa ginagawa niya ang mga bagay na nakalulugod sa kaniyang Ama.

(Juan 5:43) 43 Ako ay pumarito sa pangalan ng aking Ama, ngunit hindi ninyo ako tinatanggap; kung may iba pa na dumating sa sarili niyang pangalan, tatanggapin ninyo ang isang iyon.

(Juan 8:29) 29 At siya na nagsugo sa akin ay kasama ko; hindi niya ako iniwang nag-iisa, sapagkat lagi kong ginagawa ang mga bagay na kalugud-lugod sa kaniya.

Source:RS

ask
Baguhan

Posts : 11
Join date : 2012-08-07

Back to top Go down

PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT? Empty Re: PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT?

Post by stick-to-one Thu Aug 09, 2012 11:38 am

ask wrote:Ang sagot ko ay Hindi.

sir ask, ano po ang masasabi nyu sa talata na inilatag ni sir lord andrew?
stick-to-one
stick-to-one
Baguhan

Posts : 6
Join date : 2012-08-09

Back to top Go down

PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT? Empty Re: PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT?

Post by ask Thu Aug 09, 2012 12:47 pm

Sir STO (can I call you by this name?)

Kung babasahin at susuriin po ninyo ng mainam ang aking pinoste, pinaliliwanag diyan ang dahilan ng inyong claim sa taas na iniliatag ni Mr. Lord Andrew.

ask
Baguhan

Posts : 11
Join date : 2012-08-07

Back to top Go down

PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT? Empty Re: PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT?

Post by stick-to-one Thu Aug 09, 2012 12:57 pm

ask wrote:Sir STO (can I call you by this name?)

Kung babasahin at susuriin po ninyo ng mainam ang aking pinoste, pinaliliwanag diyan ang dahilan ng inyong claim sa taas na iniliatag ni Mr. Lord Andrew.

sir ask, may tanong po si sir lord andrew sa inilatag niyang katanungan, ano po ang inyong kasagutan?
stick-to-one
stick-to-one
Baguhan

Posts : 6
Join date : 2012-08-09

Back to top Go down

PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT? Empty Re: PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT?

Post by ask Thu Aug 09, 2012 1:04 pm

Di po ba ninyo nakuha ang mesahe?
Ipagpaumanhin po ninyo kung medyo nahirapan kayong hanapin ang sagot.

ito po.

Sa Isa 40:3 sii Jehova Po. Pero nasagot sa NT kung sa anong Paraan.

Sino po nagsugo sa panginoong Jesus?

Ang Ama siyempre na si Jehova?

Dumating ba siya?

(Juan 5:43) 43 Ako ay pumarito sa pangalan ng aking Ama, ngunit hindi ninyo ako tinatanggap; kung may iba pa na dumating sa sarili niyang pangalan, tatanggapin ninyo ang isang iyon.

"Ako ay pumarito sa pangalan ng aking Ama"

(Juan 8:29) 29 At siya na nagsugo sa akin ay kasama ko; hindi niya ako iniwang nag-iisa, sapagkat lagi kong ginagawa ang mga bagay na kalugud-lugod sa kaniya.

siya na nagsugo sa akin ay kasama ko

Kasama daw po.

Kaya ang sagot ko sa tanong na: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT? ay:

ask wrote:Ang sagot ko ay Hindi.

Sapagka’t si Jesus ay kumatawan sa kaniyang Ama. Naparito siya sa pangalan ng kaniyang Ama at natitiyak niyang laging nasa kaniya ang Ama niya dahil sa ginagawa niya ang mga bagay na nakalulugod sa kaniyang Ama.

(Juan 5:43) 43 Ako ay pumarito sa pangalan ng aking Ama, ngunit hindi ninyo ako tinatanggap; kung may iba pa na dumating sa sarili niyang pangalan, tatanggapin ninyo ang isang iyon.

(Juan 8:29) 29 At siya na nagsugo sa akin ay kasama ko; hindi niya ako iniwang nag-iisa, sapagkat lagi kong ginagawa ang mga bagay na kalugud-lugod sa kaniya.

Source:RS

ask
Baguhan

Posts : 11
Join date : 2012-08-07

Back to top Go down

PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT? Empty Re: PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT?

Post by Lord Andrew Thu Aug 09, 2012 5:32 pm

ask wrote:Di po ba ninyo nakuha ang mesahe?

Huwag po sana kayong makukulitan sa akin pero gusto kong maintindihan ang Isaiah 40:3. Ang sabi po kasi sa Isaiah ayon sa inyong NWT ay "Listen! Someone is calling out in the wilderness: “Clear up the way of Jehovah, YOU people! MAKE the highway for our God through the desert plain straight."

Ang tinutukoy po ng talata ay 'the way of Jehovah.' Mali ba ako na iexpect na si Jehovah ang darating? Pakisagot naman po. Maraming salamat.
Lord Andrew
Lord Andrew
Baguhan

Posts : 22
Join date : 2012-08-06

Back to top Go down

PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT? Empty Re: PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT?

Post by ask Thu Aug 09, 2012 6:20 pm

Hindi naman, dahil dumating naman siya.
Kaya nga lang sa paraang Gusto ng Diyos.
Kagaya ng nakalatag na po sa Taas, Kung paano siya dumating.

Ang problema ay kung ayaw natin ng paraan na ginawa niya.

ask
Baguhan

Posts : 11
Join date : 2012-08-07

Back to top Go down

PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT? Empty Re: PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT?

Post by nobody Thu Aug 09, 2012 7:17 pm

Lord Andrew wrote:Huwag po sana kayong makukulitan sa akin pero gusto kong maintindihan ang Isaiah 40:3. Ang sabi po kasi sa Isaiah ayon sa inyong NWT ay "Listen! Someone is calling out in the wilderness: “Clear up the way of Jehovah, YOU people! MAKE the highway for our God through the desert plain straight."

Ang tinutukoy po ng talata ay 'the way of Jehovah.' Mali ba ako na iexpect na si Jehovah ang darating? Pakisagot naman po. Maraming salamat.
Hindi naman mali na i-expect mo yan, pero dapat nating isaalang-alang na walang masagasaang ibang bahagi ng Kasulatan. Maihahalintulad mo ang Bibliya sa isang Mosaic, kailangan mong tingnan ang lahat ng detalye, manapa'y aatras ka pa nga minsan para matingnan ang buong larawan. Bago ko sagutin ang tanong mo, nais muna kitang pasalamatan sa panahon na ginugol mo para liwanagin ang puntong ito.

Kaayon ng sagot ni Ask sa itaas, nais kong susugan ito ng karagdagang ebidensiya. Totoo na ang Diyos na Jehova ang binanggit sa aklat ng Isaias, manapay sinipi ito ni Apostol Juan sa kaniyang ulat ng Ebanghelyo. Pansinin mo ang ulat:

"Sinabi niya: “Ako ay tinig ng isa na sumisigaw sa ilang, ‘Tuwirin ninyo ang daan ni Jehova,’ gaya ng sinabi ni Isaias na propeta.”" - Juan 1:23 NWT

Sa ulat na ito ay inangkin ni Juan na Tagapagbautismo na siya daw itong "tinig sa ilang" na sumisigaw sa aklat ng Isaias. Pansinin ang sumunod na ulat kung ano ang pagkaunawa ng mga sinaunang Judio sa hula ng Isaias:

"24 At yaong mga isinugo ay mula sa mga Pariseo. 25 Kaya tinanong nila siya at sinabi sa kaniya: “Kung gayon, bakit ka nagbabautismo kung hindi nga ikaw ang Kristo o si Elias o Ang Propeta?”" - Juan 1:24, 25 NWT

Napansin po ba ninyo ang bulalas o tanong ng mga Judio? Ayon po sa ulat ay "Kung gayon, bakit ka nagbabautismo KUNG HINDI NGA IKAW ANG KRISTO o si Elias o Ang Propeta?" Dito palang sa ulat na ito ay kapansin-pansin na KUNG PAANO inunawa ng mga Judio ang hula sa Isaias, alalaong baga'y mayroong darating. Ang problema nalang ay 'Papaanong naging si Jesus ang dumating gayong si Jehova ang binanggit ng hula ng Isaias na darating?' Pinatutunayan ba nito na si Jehovah ng OT ay siyang si Jesus ng NT? May problema ba kung ang Diyos man mismo ang dumating o si Jesus? Ang maikling sagot sa huling dalawang tanong ay parehong HINDI. Pakisuyong tunghayan ang detalye ng sagot sa ibinangong tatlong tanong:

Sa ulat ng Mateo 8:5-13 ay iniulat ang isang 'opisyal ng hukbo' na lumapit sa Panginoong Jesus upang hilingin na mapagaling ang kaniyang alilang lalaki. Subalit kapag inihambing mo ang ulat na ito sa rekord ng Lucas 7:1-10, mababasa natin na nagsugo pala ang opisyal ng hukbo ng 'matatandang lalaki ng mga Judio' [talatang 3] upang kausapin si Jesus at mamanhik na pagalingin ang aliping lalaki, manapa'y sa talatang 6 ay iniulat naman na nagsugo pa ng 'mga kaibigan.' So sino ngayon ang ating paniniwalaan? Magkasalungan ba ang ulat ni Mateo at Lucas? Huwag nawang magkagayon. Bakit nga ba ganoon ang pagkakaulat ni Mateo? Pansinin mo ang isa pang halimbawa:

Sa ulat ng Genesis 18:1-5 ay iniulat naman na 'nagpakita si Jehova' kay Abraham sa malalaking puno ng Mamre, subalit kapag binasa natin ang buong kabanata, mauunawaan natin na hindi talaga ang mismong Diyos ang nakikipagtalastasan kay Abraham kundi ang tatlong anghel na isinugo. Pero kapansin-pansin na direktang tinatawag ni Abraham sila sa pangalang 'Jehova.' Ano ang ibig sabihin nito? Sa aklat ni Ben Witherington III na "John's Wisdom: A Commentary on the Fourth Gospel", pahina 140, ay may mababasang ganito:

“The Jewish concept of agency, which involved a legal relationship as much as anything else, can be summed up in the key phrase: ‘A person’s agent is as himself.’ An agent is a person authorized to perform some specific set of tasks and empowered to speak and act for the one sending the person. The agent was acting for the sender on occasions when the sender could not or chose not to be personally present. This agent was to be treated as the one sending him or her would have been treated had that one come in person. An affront to the agent was an affront to the sender; a positive response or treatment of the agent was seen as a positive response or treatment of the sender. In many ways this was also how ambassadors or envoys were viewed in the ancient world—they were just other kinds of agents.”

Iyan po ay kaugalian noong panahon ng Bibliya. Kaya nga HINDI problema kung si Jesus man ang dumating, kasi ayon diyan sa dalawang halimbawang ginamit natin sa itaas, ang 'isinugo' o 'kinatawan' ng nagsugo ay tinatanggap nila sa paraang kung papaano tatanggapin ang mismong 'nagsugo.' Iyan din ang dahilan kung kaya ang sabi ng Panginoong Jesus, gaya ng pagkakasipi at pagkakadiin ni Ask sa itaas, ay:

"Ako ay pumarito sa pangalan ng aking Ama.." - Juan 5:43 NWT

Maraming salamat at nawa ay natulungan ka nito sa pagkaunawa sa Isaias 40:3.

Last edited by nobody on Fri Aug 10, 2012 1:37 pm; edited 4 times in total
nobody
nobody
Napapadalas

Location : The Great Void
Posts : 58
Join date : 2012-08-01

Back to top Go down

PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT? Empty Re: PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT?

Post by stick-to-one Fri Aug 10, 2012 2:20 am

ask wrote:Di po ba ninyo nakuha ang mesahe?
Ipagpaumanhin po ninyo kung medyo nahirapan kayong hanapin ang sagot.

ito po.

Sa Isa 40:3 sii Jehova Po. Pero nasagot sa NT kung sa anong Paraan.

Sino po nagsugo sa panginoong Jesus?

Ang Ama siyempre na si Jehova?

Dumating ba siya?

(Juan 5:43) 43 Ako ay pumarito sa pangalan ng aking Ama, ngunit hindi ninyo ako tinatanggap; kung may iba pa na dumating sa sarili niyang pangalan, tatanggapin ninyo ang isang iyon.

"Ako ay pumarito sa pangalan ng aking Ama"

(Juan 8:29) 29 At siya na nagsugo sa akin ay kasama ko; hindi niya ako iniwang nag-iisa, sapagkat lagi kong ginagawa ang mga bagay na kalugud-lugod sa kaniya.

siya na nagsugo sa akin ay kasama ko

Kasama daw po.

Kaya ang sagot ko sa tanong na: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT? ay:

ask wrote:Ang sagot ko ay Hindi.

Sapagka’t si Jesus ay kumatawan sa kaniyang Ama. Naparito siya sa pangalan ng kaniyang Ama at natitiyak niyang laging nasa kaniya ang Ama niya dahil sa ginagawa niya ang mga bagay na nakalulugod sa kaniyang Ama.

(Juan 5:43) 43 Ako ay pumarito sa pangalan ng aking Ama, ngunit hindi ninyo ako tinatanggap; kung may iba pa na dumating sa sarili niyang pangalan, tatanggapin ninyo ang isang iyon.

(Juan 8:29) 29 At siya na nagsugo sa akin ay kasama ko; hindi niya ako iniwang nag-iisa, sapagkat lagi kong ginagawa ang mga bagay na kalugud-lugod sa kaniya.

Source:RS

sir nobody, pwede ko po bang sabihin na naparito si JEHOVAH in the person of our LORD JESUS CHRIST? at pwed po bang paki paliwanag ng salitang "Ako ay pumarito sa pangalan ng aking AMA" at "siya na nagsugo sa akin ay kasama ko"....
stick-to-one
stick-to-one
Baguhan

Posts : 6
Join date : 2012-08-09

Back to top Go down

PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT? Empty Re: PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT?

Post by nobody Fri Aug 10, 2012 2:33 am

stick-to-one wrote:kaibigang nobody, pwede ko po bang sabihin na naparito si JEHOVAH in the person of our LORD JESUS CHRIST?
Sa pananaw ko ay 'pwede naman', that is in the sense na magkahiwalay sila as two individuals. Isa na nagsugo [Jehovah], at isa na isinugo [Jesus Christ]. John 17:3. Wala naman po kasing problema yan, gaya ng ipinakita ko sa paliwanag sa itaas.

May kinalaman po sa pariralang "Ako ay pumarito sa pangalan ng aking Ama.." (Juan 5:43), nauunawaan po namin ito na si Jesus ay kinatawan ni Jehova.

Ang pariralang "At siya na nagsugo sa akin ay kasama ko.." (Juan 8:29), ay inuunawa naman namin kaayon ng pagkakagamit ng mga salitang ito sa iba pang bahagi ng Bibliya. Pansinin mo po ang ilang halimbawa:

"and said unto them, I see your father's countenance, that it is not toward me as beforetime; but the God of my father hath been with me." Gen. 31:5 ASV

"But Neco sent messengers to him, saying, "What quarrel is there between you and me, O king of Judah? It is not you I am attacking at this time, but the house with which I am at war. God has told me to hurry; so stop opposing God, who is with me, or he will destroy you."" 2Chr. 35:21 NIV

Parallel po ba ang mga halimbawa? Oo, pero sino ba ang mangangahas na magsabing sa mga ulat na ito ay ipinapahiwatig na si Jacob o si Neco na hari ng Ehipto ay ang Diyos o kabahagi sila sa pagka-Diyos, yamang sinabi ng mga talata na "kasama" nila ang Diyos? Kung pamilyar po kayo sa mga interlinear Bible, maaari nyo pong silipin ang Griegong salita na ginamit sa ulat ng Juan para sa pariralang "kasama ko", at ikumpara sa mga nabanggit na halimbawa riyan. Para hindi na po kayo mahirapan, inirerekomenda ko na gumamit kayo ng Septuagint o LXX para sa dalawang halimbawa, para derecho na ang paghahambing mo. Kung gusto nyo ng mga halimbawa pa, marami pa po tayo niyan.

Pakireview nalang po ang post ko sa itaas dahil may inedit po ako na ilang sentences para maging mas maliwanag ang punto. Maraming salamat po.
nobody
nobody
Napapadalas

Location : The Great Void
Posts : 58
Join date : 2012-08-01

Back to top Go down

PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT? Empty Re: PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT?

Post by stick-to-one Fri Aug 10, 2012 7:37 am

nobody wrote:

sir nobody, yun po bang salitang "pangalan" ay literal po ba ang kahulugan? at ano po ang masasabi nyu sa talata na:

45. At ang nakakita sa akin, ay nakakita doon sa nagsugo sa akin.

paki paliwanag po......
stick-to-one
stick-to-one
Baguhan

Posts : 6
Join date : 2012-08-09

Back to top Go down

PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT? Empty Re: PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT?

Post by nobody Fri Aug 10, 2012 11:54 am

stick-to-one wrote:
sir nobody, yun po bang salitang "pangalan" ay literal po ba ang kahulugan?

Nasagot na po ito sa itaas. Pero samantalahin ko naring magbigay ng karagdagang patotoo. Ang maikling sagot ay 'HINDI' namin nililiteral ang kahulugan, sapagkat gaya ng sabi ko, may masasagasaang ibang bahagi ng Kasulatan. Bigyan kita ng ilang halimbawa:

"Sino ang umakyat sa langit upang siya ay makababa? Sino ang nagtipon ng hangin sa palad ng dalawang kamay? Sino ang nagbalot ng mga tubig sa isang balabal? Sino ang nagpaangat ng lahat ng mga dulo ng lupa? Ano ang kaniyang pangalan at ano ang pangalan ng kaniyang anak, kung alam mo?" -Kawikaan 30:4 NWT

"At nakita ko, at, narito! ang Kordero na nakatayo sa Bundok Sion, at ang kasama niya ay isang daan at apatnapu’t apat na libo na may pangalan niya at pangalan ng kaniyang Ama na nakasulat sa kanilang mga noo." - Apocalipsis 14:1 NWT

Hindi ko naman na siguro kailangan pang ipaliwanag pa ang talata? Maliwanag na maliwanag na ito'y HINDI humihingi ng iisang pangalan lamang, kundi DALAWA. Bukod diyan, iiwanan kita ng isang punto na mapag-iisipan:

"Sumagot si Jesus sa kanila: “Sinabi ko na sa inyo, at gayunma’y hindi kayo naniniwala. Ang mga gawa na aking ginagawa sa pangalan ng aking Ama, ang mga ito ang nagpapatotoo tungkol sa akin." - Juan 10:25 NWT

Kung ang "pangalan" ng Ama ay siya ring pangalan ng Anak, papaano natin uunawain ang pahayag ng panginoong Jesus sa talatang iyan? (Juan 10:25)

Nais ko ring bigyan ka pa ng ilan pang halimbawa may kinalaman sa pangalan ng Diyos:

"Now the prophets Haggai and Zechariah, the son of Iddo, were preaching to the Jews in Judah and Jerusalem in the name of the God of Israel." - Ezra 5:1 Bible in Basic English

"and ministers in the name of the LORD his God, like all his fellow Levites who stand to minister there before the LORD," - Deut. 18:7 English Standard Version

Meron bang mangangahas na magsabing sina Propeta Haggai at Zacarias ay siya ring si Jehova na Diyos ng Israel? Na ang mga Levita ay kapangalan ng Diyos? Subalit ano ba talagang ibig sabihin ng mga pananalita ni Jesus sa Juan 5:43 may kinalaman sa pangalan ng kaniyang Ama? Pamilyar po ba kayo sa mga lumang pelikula na nagtatanghal ng mga hari at kaharian? Manapa'y may mga eksena na kakikitaan ng mga kawal na sumisigaw ng "SA NGALAN NG HARI! BUKSAN NINYO ANG PINTUANG DAAN NG KASTILYO!" Madaling makuha ang punto kung tayo ay nagsusuring mabuti. Pansinin mo ang halimbawa ng Bibliya mismo:

"The king’s secretaries were then called in the first month on the thirteenth day of it, and writing went on according to all that Ha′man commanded the king’s satraps and the governors who were over the different jurisdictional districts, and the princes of the different peoples, of each jurisdictional district, in its own style of writing, and each people in its own tongue; in the name of King A·has·u·e′rus it was written and it was sealed with the king’s signet ring." - Esther 3:12 NWT

May kinalaman sa huling bahagi:
stick-to-one wrote:at ano po ang masasabi nyu sa talata na:
45. At ang nakakita sa akin, ay nakakita doon sa nagsugo sa akin.
paki paliwanag po......
Pakisuyo pong basahing muli ang pinakaunang sagot ko sa thread na ito. Naroon po ang sagot sa tinalakay ko may kinalaman sa konsepto ng Ahensiya sa Bibliya. Maraming salamat po at nawa'y natulungan kayo nito.
nobody
nobody
Napapadalas

Location : The Great Void
Posts : 58
Join date : 2012-08-01

Back to top Go down

PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT? Empty Re: PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT?

Post by oneYHWH Mon Aug 13, 2012 3:18 am

Sa pananaw ko ay 'pwede naman', that is in the sense na magkahiwalay sila as two individuals. Isa na nagsugo [Jehovah], at isa na isinugo [Jesus Christ]. John 17:3. Wala naman po kasing problema yan, gaya ng ipinakita ko sa paliwanag sa itaas.

Kaibigang nobody, kung gayon ilang persona po ang dumating?
oneYHWH
oneYHWH
Baguhan

Posts : 4
Join date : 2012-08-13

Back to top Go down

PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT? Empty Re: PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT?

Post by nobody Mon Aug 13, 2012 5:46 am

oneYHWH wrote:
Sa pananaw ko ay 'pwede naman', that is in the sense na magkahiwalay sila as two individuals. Isa na nagsugo [Jehovah], at isa na isinugo [Jesus Christ]. John 17:3. Wala naman po kasing problema yan, gaya ng ipinakita ko sa paliwanag sa itaas.

Kaibigang nobody, kung gayon ilang persona po ang dumating?
Isang persona lang ang dumating kaibigan, at iyon ay ang persona ng panginoong Jesus, pero huwag nating kakaligtaan na siya ay "pumarito sa pangalan" ng kaniyang Ama, kaya wala pong problema iyan. Ipinapakita ng kaugalian ng mga sinaunang Judio, kaugalian ng ahensiya, na sa diwa ay dumating din si Jehova, at ito ay sa pamamagitan ng kaniyang Anak bilang kaniyang kinatawan o representante. May malinaw na example po tayo sa itaas sa ulat ng Mateo 8:5-13 at Lucas 7:1-10.
nobody
nobody
Napapadalas

Location : The Great Void
Posts : 58
Join date : 2012-08-01

Back to top Go down

PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT? Empty Re: PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT?

Post by Nagsusuri Mon Aug 13, 2012 7:24 am

Maliwanag po ang nakasulat, mga kapatid.

Juan 17:1
Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:

Ba't naman po titingala ang ating Panginoong Hesus kung siya rin pala ang Ama?

Juan 12:49
Sapagka't ako'y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain.

Lalabas, sira si Kristo kung siya rin pala ang Ama. Ang liwanag po ng nakasulat, "ako'y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili" ibig sabihin, hindi nga Siya ang Ama. Kung siya rin naman pala ang Ama, ba't pa Siya magsasalita ng ganon, ha?
Nagsusuri
Nagsusuri
Nahihilig

Posts : 187
Join date : 2012-08-07

Back to top Go down

PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT? Empty Re: PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT?

Post by oneYHWH Mon Aug 13, 2012 7:52 am

Isang persona lang ang dumating kaibigan, at iyon ay ang persona ng panginoong Jesus, pero huwag nating kakaligtaan na siya ay "pumarito sa pangalan" ng kaniyang Ama, kaya wala pong problema iyan. Ipinapakita ng kaugalian ng mga sinaunang Judio, kaugalian ng ahensiya, na sa diwa ay dumating din si Jehova, at ito ay sa pamamagitan ng kaniyang Anak bilang kaniyang kinatawan o representante. May malinaw na example po tayo sa itaas sa ulat ng Mateo 8:5-13 at Lucas 7:1-10.

kaibigang nobody, suma total hindi mismo si Jehovah ang tinutukoy ni Propeta Isaias manapay ang kanya lamang na representante, bakit hindi na lang mismo yung representante niya ang tinukoy ni Isaias?
oneYHWH
oneYHWH
Baguhan

Posts : 4
Join date : 2012-08-13

Back to top Go down

PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT? Empty Re: PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT?

Post by worldnats Mon Aug 13, 2012 9:15 am

Kaibigan oneYHWH, may sagot na po si nobody sa tanong mo na yan. Ang key word po ang "Concept of Agency".
worldnats
worldnats
Baguhan

Location : Jeddah, Saudi Arabia
Posts : 14
Join date : 2012-08-07

Back to top Go down

PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT? Empty Re: PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT?

Post by oneYHWH Tue Aug 14, 2012 7:34 am

worldnats wrote:Kaibigan oneYHWH, may sagot na po si nobody sa tanong mo na yan. Ang key word po ang "Concept of Agency".

eh ano po ang sagot niya?
oneYHWH
oneYHWH
Baguhan

Posts : 4
Join date : 2012-08-13

Back to top Go down

PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT? Empty Re: PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT?

Post by oneYHWH Tue Aug 14, 2012 7:43 am

kaibigang nobody, gusto ko lang klaruhin ang stand mo sa paksang ito dahilan ayon sayo:

Isang persona lang ang dumating kaibigan, at iyon ay ang persona ng panginoong Jesus, pero huwag nating kakaligtaan na siya ay "pumarito sa pangalan" ng kaniyang Ama, kaya wala pong problema iyan. Ipinapakita ng kaugalian ng mga sinaunang Judio, kaugalian ng ahensiya, na sa diwa ay dumating din si Jehova, at ito ay sa pamamagitan ng kaniyang Anak bilang kaniyang kinatawan o representante. May malinaw na example po tayo sa itaas sa ulat ng Mateo 8:5-13 at Lucas 7:1-10.

ayon sayo, isa lang na persona ang dumating, pero may ibinigay kang talata na nagsasabi na:

Ang pariralang "At siya na nagsugo sa akin ay kasama ko.." (Juan 8:29), ay inuunawa naman namin kaayon ng pagkakagamit ng mga salitang ito sa iba pang bahagi ng Bibliya. Pansinin mo po ang ilang halimbawa:

dito pinakikita mo na may kasama siya, kung gayon ano po ang stand mo sa bagay na ito? isa lang ba o may kasama?

pakisagot po.....
oneYHWH
oneYHWH
Baguhan

Posts : 4
Join date : 2012-08-13

Back to top Go down

PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT? Empty Re: PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT?

Post by nobody Tue Aug 14, 2012 8:01 am

oneYHWH wrote:kaibigang nobody, suma total hindi mismo si Jehovah ang tinutukoy ni Propeta Isaias manapay ang kanya lamang na representante, bakit hindi na lang mismo yung representante niya ang tinukoy ni Isaias?
Kaibigan, detalyado kong ipinaliwanag yan. Para maging nakapagtuturo ang pagtalakay, iwasan nating baluktutin ang pahayag ng bawat isa. Uulitin ko sayo, si Jehovah ang isinulat ni Isaias, wala kaming problema diyan. E si Jesus ang dumating? Ibig bang sabihin si Jesus na kagad si Jehova? HINDI. Bakit? Kasi nga maraming sasalungating bahagi ng Kasulatan. Hindi namin pinagsasalungat ang Banal na Kasulatan. Hinahanap namin ang PALIWANAG ng Kasulatan. Nagsusuri po kaming mabuti. At lumabas sa pagsusuri namin na may kaugalian pala ang mga sinaunang Judio tungkol sa konsepto ng ahensiya o CONCEPT OF AGENCY. Pakibasa po iyon at yoon ang sagutin mo. May mga maliwanag na halimbawa doon.
nobody
nobody
Napapadalas

Location : The Great Void
Posts : 58
Join date : 2012-08-01

Back to top Go down

PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT? Empty Re: PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT?

Post by nobody Tue Aug 14, 2012 8:04 am

oneYHWH wrote:
worldnats wrote:Kaibigan oneYHWH, may sagot na po si nobody sa tanong mo na yan. Ang key word po ang "Concept of Agency".

eh ano po ang sagot niya?
Backread po tayo sa page 1 kaibigang oneYHWH. Mahirap po pag paulit ulit. Salamat.
nobody
nobody
Napapadalas

Location : The Great Void
Posts : 58
Join date : 2012-08-01

Back to top Go down

PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT? Empty Re: PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT?

Post by nobody Tue Aug 14, 2012 8:07 am

oneYHWH wrote:kaibigang nobody, gusto ko lang klaruhin ang stand mo sa paksang ito dahilan ayon sayo:

Isang persona lang ang dumating kaibigan, at iyon ay ang persona ng panginoong Jesus, pero huwag nating kakaligtaan na siya ay "pumarito sa pangalan" ng kaniyang Ama, kaya wala pong problema iyan. Ipinapakita ng kaugalian ng mga sinaunang Judio, kaugalian ng ahensiya, na sa diwa ay dumating din si Jehova, at ito ay sa pamamagitan ng kaniyang Anak bilang kaniyang kinatawan o representante. May malinaw na example po tayo sa itaas sa ulat ng Mateo 8:5-13 at Lucas 7:1-10.

ayon sayo, isa lang na persona ang dumating, pero may ibinigay kang talata na nagsasabi na:

Ang pariralang "At siya na nagsugo sa akin ay kasama ko.." (Juan 8:29), ay inuunawa naman namin kaayon ng pagkakagamit ng mga salitang ito sa iba pang bahagi ng Bibliya. Pansinin mo po ang ilang halimbawa:

dito pinakikita mo na may kasama siya, kung gayon ano po ang stand mo sa bagay na ito? isa lang ba o may kasama?

pakisagot po.....
Totoo po na may ibinigay kaming talata na bumabanggit ng kasama ng dumating. Sa anong diwa po ba kasama ni Jesus ang kaniyang Ama? Sinagot ko narin po iyan sa page 1. May example pa po yan, si Jacob at haring Neco ng Ehipto. Maliwanag na ang aming stand diyan.
nobody
nobody
Napapadalas

Location : The Great Void
Posts : 58
Join date : 2012-08-01

Back to top Go down

PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT? Empty Re: PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT?

Post by Ramil Torres Wed Sep 26, 2012 9:40 am

oo naman sabi nga sa 1 tim 3:16 ang God ay nagmanifest sa flesh
Ramil Torres
Ramil Torres
Baguhan

Posts : 2
Join date : 2012-09-26

Back to top Go down

PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT? Empty Re: PAGUSAPAN NATIN: Si JEHOVAH ba ng OT ay si JESUS ng NT?

Post by Sponsored content

Sponsored content

Back to top Go down

Page 1 of 2 1, 2  Next

Back to top

- Similar topics

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum