IN LIGHT OF THE SCRIPTURES
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

"..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog."

5 posters

Page 1 of 2 1, 2  Next

Go down

"..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog." Empty "..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog."

Post by Nagsusuri Sat Aug 11, 2012 6:31 pm

Mga kapatid, sumaatin ang kapayapaan.

Isa sa mga pangunahing doktrina ng mga Saksi ni Jehova ay ang pananatili ng mundong ito hanggang sa wakas, sapagkat ito raw ang tatahanan ng mga matuwid, ayon sa Awit 37:29.

Mamanahin ng matuwid ang lupain, at tatahan doon magpakailan man.

Ngunit, ano nga ba ang pahayag ng Biblia tungkol sa kung mananatili ba ang mundong ito hanggang sa wakas? Yan po ang ating pag-uusapan mga kapatid, susuriin po natin sa Biblia kung ang lupang ito'y mananatili magpakailanman o hindi.

Maraming salamat. Sana'y maging mabunga ang ating pagtatalakayan tungkol sa paksang ito, mga kapatid, lalung-lalo na ng mga kapatid nating kaanib sa mga Saksi ni Jehova (Jehovah's Witnesses).
Nagsusuri
Nagsusuri
Nahihilig

Posts : 187
Join date : 2012-08-07

Back to top Go down

"..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog." Empty Re: "..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog."

Post by nobody Mon Aug 13, 2012 5:50 am

May tanong po ako. Kapag binabanggit po ba ang salitang "lupa" sa Bibliya, iisa lang po ba ang kahulugan nito, alalaong baga'y ang pisikal na lupa o literal na lupa o "planetang lupa" o daigdig?
nobody
nobody
Napapadalas

Location : The Great Void
Posts : 58
Join date : 2012-08-01

Back to top Go down

"..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog." Empty Re: "..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog."

Post by Nagsusuri Mon Aug 13, 2012 7:13 am

nobody wrote:May tanong po ako. Kapag binabanggit po ba ang salitang "lupa" sa Bibliya, iisa lang po ba ang kahulugan nito, alalaong baga'y ang pisikal na lupa o literal na lupa o "planetang lupa" o daigdig?

Ang ibig po ba ninyong sabihin ay ang katagang "lupa" sa II Pedro 3:7,10?

Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama.

Nabasa ko na po ang paliwanag ng Watchtower tungkol diyan. Ang "lupa" daw po diyan ay tumutukoy sa mga "taong masasama." (Paki-check lang po kung tama.) Kaya, hindi po daw maaaring literal yang "lupa" na yan.
Nagsusuri
Nagsusuri
Nahihilig

Posts : 187
Join date : 2012-08-07

Back to top Go down

"..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog." Empty Re: "..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog."

Post by ask Mon Aug 13, 2012 8:38 am

Kung papansinin ang ulat ng 2 Pedro 3:7, 10 at gagawin nating literal ang unawa dito, lalabas na pati ang Langit ay magugunaw nga.

Ano ba ang naging kasalanan ng langit na kinaroonan ng Diyos para sunugin?

(Mateo 6:9) . . .‘Ama namin na nasa langit, . . .

ask
Baguhan

Posts : 11
Join date : 2012-08-07

Back to top Go down

"..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog." Empty Re: "..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog."

Post by Nagsusuri Mon Aug 13, 2012 5:50 pm

ask wrote:Kung papansinin ang ulat ng 2 Pedro 3:7, 10 at gagawin nating literal ang unawa dito, lalabas na pati ang Langit ay magugunaw nga.

Ano ba ang naging kasalanan ng langit na kinaroonan ng Diyos para sunugin?

(Mateo 6:9) . . .‘Ama namin na nasa langit, . . .

Wala pa naman akong itinitindig brad eh. Sabagay, naniniwala talaga akong ang 'lupa' sa II Pedro 3:7, 10 ay ang lupang ito. Ang tanong mo

Ilan ba ang mga langit na tinutukoy ng Biblia? Tatlo.

II Corinto 12:2
Nakikilala ko ang isang lalake kay Cristo, na mayroong nang labingapat na taon (maging sa katawan, aywan ko; o maging sa labas ng katawan, aywan ko; Dios ang nakaaalam) na inagaw hanggang sa ikatlong langit.

Ano ba ang langit na susunugin?

Apocalipsis 21:1
At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na.

Ano itong unang langit?

Jeremiah 4:25, King James Version
I beheld, and, lo, there was no man, and all the birds of the heavens were fled.

Bakit ngayon ito susunugin?

Efeso 6:12
Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.

Amen? Maliwanag ba, kapatid?
Nagsusuri
Nagsusuri
Nahihilig

Posts : 187
Join date : 2012-08-07

Back to top Go down

"..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog." Empty Re: "..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog."

Post by Frostwhite Mon Aug 13, 2012 6:53 pm

So alin pong langit ang tinutukoy diyan G. Nagususuri?
Frostwhite
Frostwhite
Napapadalas

Posts : 88
Join date : 2012-07-31

Back to top Go down

"..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog." Empty Re: "..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog."

Post by Nagsusuri Tue Aug 14, 2012 7:34 am

Frostwhite wrote:So alin pong langit ang tinutukoy diyan G. Nagususuri?

Yung immediate atmosphere ng mundo, di po ba maliwanag, kapatid? Kahit ang Watchtower, nagpapaliwanag na ang langit ay pupuwedeng itawag sa immediate atmosphere, diba? (Paki-check lang po kung tama.)
Nagsusuri
Nagsusuri
Nahihilig

Posts : 187
Join date : 2012-08-07

Back to top Go down

"..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog." Empty Re: "..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog."

Post by nobody Tue Aug 14, 2012 8:52 am

Nagsusuri wrote:
Frostwhite wrote:So alin pong langit ang tinutukoy diyan G. Nagususuri?

Yung immediate atmosphere ng mundo, di po ba maliwanag, kapatid? Kahit ang Watchtower, nagpapaliwanag na ang langit ay pupuwedeng itawag sa immediate atmosphere, diba? (Paki-check lang po kung tama.)

Pasuyo lang po kaibigang Nagsusuri, kapag ko-quote po kayo sa aming mga publikasyon, maging espisipiko po kayo para masuri rin namin ang puntong nais mong itawid. [Suhestiyon ko lang, isama mo ang pangalan ng publikasyon, buwan/petsa/taon ng issue, pahina at parapo kung maaari.]

Gusto ko narin pong itawag pansin sa inyo na dalawa ang mapatutungkulan ng salitang "Watchtower" na ginamit ninyo sa itaas, una ay ang magasing Ang Bantayan o The Watchtower? At ikalawa ay ang korporasyong ginagamit ng aming samahan para sa pag-iimprenta ng mga salig-Bibliyang mga publikasyon o mas kilala sa pangalang Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania.

Ngayong maliwanag na ang ilang puntong iyan na madalas na namamali ng unawa ng ilan, dako tayo sa paksa.

So batay po sa inyo, hindi lang iisa ang tinutukoy na langit ng Bibliya, manapa'y tatlo ito ayon sayo, di po ba?

Nagsusuri wrote:
Ilan ba ang mga langit na tinutukoy ng Biblia? Tatlo.
Bukod po sa tatlong langit na nabanggit mo? May iba pa po bang gamit ang salitang "langit" sa Bibliya?
nobody
nobody
Napapadalas

Location : The Great Void
Posts : 58
Join date : 2012-08-01

Back to top Go down

"..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog." Empty Re: "..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog."

Post by ask Tue Aug 14, 2012 10:26 am

At kahit ano pang langit yan, kung literal ang unawa natin sa 2 Ped. 3:7,10

Kasali pa rin yan sa katergorya ng "Langit".

Hiramin ko po yong pinoste mong teksto:

Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama.

Ang mga tinukoy mo na langit ay nasa katergorya ng salitang Langit.

Iyan ay kung uunawain natin sa Literal gaya ng nais po ninyo.

Kaya:

Ano ang kasalanan ng langit at bakit ito nadamay?

Samantalang ang:

(Mateo 6:9) . . .‘Ama namin na nasa langit, . . .

ask
Baguhan

Posts : 11
Join date : 2012-08-07

Back to top Go down

"..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog." Empty Re: "..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog."

Post by Nagsusuri Thu Aug 16, 2012 7:13 am

ask wrote:At kahit ano pang langit yan, kung literal ang unawa natin sa 2 Ped. 3:7,10

Kasali pa rin yan sa katergorya ng "Langit".

Hiramin ko po yong pinoste mong teksto:

Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama.

Ang mga tinukoy mo na langit ay nasa katergorya ng salitang Langit.

Iyan ay kung uunawain natin sa Literal gaya ng nais po ninyo.

Kaya:

Ano ang kasalanan ng langit at bakit ito nadamay?

Samantalang ang:

(Mateo 6:9) . . .‘Ama namin na nasa langit, . . .

Maliwanag naman po sa Biblia na ang unang langit ang siyang mapaparam.

Apocalipsis 21:1
At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na.

Nasa unang langit ba ang Dios? Basa!

Awit 68:33
Sa kaniya na sumasakay sa langit ng mga langit, na noon pang una: narito, binibigkas niya ang kaniyang tinig, na makapangyarihang tinig,

Maliwanag na ang Dios ay nasa langit ng mga langit, o sa ikatlong langit, hindi sa unang langit na nakikita natin ngayon. Tinututulan ninyo ang maliwanag na nakasaad sa Biblia. Kaya, yung langit na tinutukoy ni Hesus sa Mateo 6:9, langit ng mga langit. Amen?

Kung tutuligsain po ninyo ito, mga kapatid, kailangang patunayan ninyo na iisa lamang ang langit na tinutukoy ng Banal na Kasulatan, at hindi tatlo.

II Corinto 12:2
Nakikilala ko ang isang lalake kay Cristo, na mayroong nang labingapat na taon (maging sa katawan, aywan ko; o maging sa labas ng katawan, aywan ko; Dios ang nakaaalam) na inagaw hanggang sa ikatlong langit.

II Corinthians 12:1, New World Translation of the Holy Scriptures
I know a man in union with Christ who, fourteen years ago—whether in the body I do not know, or out of the body I do not know; God knows—was caught away as such to the third heaven.
Nagsusuri
Nagsusuri
Nahihilig

Posts : 187
Join date : 2012-08-07

Back to top Go down

"..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog." Empty Re: "..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog."

Post by Nagsusuri Thu Aug 16, 2012 7:19 am

nobody wrote:So batay po sa inyo, hindi lang iisa ang tinutukoy na langit ng Bibliya, manapa'y tatlo ito ayon sayo, di po ba?
Nagsusuri wrote:Ilan ba ang mga langit na tinutukoy ng Biblia? Tatlo.
Bukod po sa tatlong langit na nabanggit mo? May iba pa po bang gamit ang salitang "langit" sa Bibliya?

Hindi po ayon sa akin, ayon sa Biblia, may tatlong langit.

II Corinto 12:2
Nakikilala ko ang isang lalake kay Cristo, na mayroong nang labingapat na taon (maging sa katawan, aywan ko; o maging sa labas ng katawan, aywan ko; Dios ang nakaaalam) na inagaw hanggang sa ikatlong langit.
Nagsusuri
Nagsusuri
Nahihilig

Posts : 187
Join date : 2012-08-07

Back to top Go down

"..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog." Empty Re: "..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog."

Post by Nagsusuri Thu Aug 16, 2012 7:27 am

Ano ba ang naging kasalanan ng langit na kinaroonan ng Diyos para sunugin?

Nasaan po ba si satanas nung siya'y magrebelde sa Dios? Diba nasa langit? Nasaan ang mga masasamang espiritu ngayon? Diba nasa langit din?

Efeso 6:12
Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.

Pinatutunayan po ng Biblia na ang immediate atmosphere ng mundo ay tinatawag ding langit.

Jeremiah 4:25, King James Version
I beheld, and, lo, there was no man, and all the birds of the heavens were fled.

Saan ba lumilipad ang mga ibon? Diba sa atmosphere? To be exact, sa troposphere? Eh langit ika ang tawag diyan sa Biblia.

Kaya nga po susunugin ang langit, o sangkalangitan, na tinutukoy sa II Pedro 3:7, 10, sapagkat nandoon ang mga masasamang espiritu. Hindi maaaring ang langit na ito ay siyang kinaroroonan ng Dios, mga kapatid, kundi ang langit ng mga langit. Amen?

Kung patuloy pa po kayo sa pagtuligsa, bahala po kayo, mga kapatid. Tuligsain po muna ninyo na meroong tatlong langit.
Nagsusuri
Nagsusuri
Nahihilig

Posts : 187
Join date : 2012-08-07

Back to top Go down

"..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog." Empty Re: "..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog."

Post by nobody Thu Aug 16, 2012 7:29 am

Nagsusuri wrote:
nobody wrote:So batay po sa inyo, hindi lang iisa ang tinutukoy na langit ng Bibliya, manapa'y tatlo ito ayon sayo, di po ba?
Nagsusuri wrote:Ilan ba ang mga langit na tinutukoy ng Biblia? Tatlo.
Bukod po sa tatlong langit na nabanggit mo? May iba pa po bang gamit ang salitang "langit" sa Bibliya?

Hindi po ayon sa akin, ayon sa Biblia, may tatlong langit.

II Corinto 12:2
Nakikilala ko ang isang lalake kay Cristo, na mayroong nang labingapat na taon (maging sa katawan, aywan ko; o maging sa labas ng katawan, aywan ko; Dios ang nakaaalam) na inagaw hanggang sa ikatlong langit.

Wala po akong tutol diyan sa talata. Tinatanong ko po kayo kung "may iba pa po bang gamit ang salitang "langit" sa Bibliya?" Maliban sa pisikal na langit o ikatlong langit. May iba pa bang maaaring pakahulugan sa salitang "langit" o wala na?
nobody
nobody
Napapadalas

Location : The Great Void
Posts : 58
Join date : 2012-08-01

Back to top Go down

"..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog." Empty Re: "..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog."

Post by Nagsusuri Thu Aug 16, 2012 2:16 pm

nobody wrote:

Ah, kapatid, ganito po. Sa abot po ng aking kaalaman sa Biblia, wala na pong ibang pakahulugan ang katagang "langit." Kayo po, kapatid? Maliban po sa II Pedro 3:7 na pinaniniwalaan po ninyong hindi literal ang pagkakagamit ng katagang "langit," meron pa po ba kayong maipapakitang talata na ang pagkakagamit ng "langit" ay figurative o hindi literal?
Nagsusuri
Nagsusuri
Nahihilig

Posts : 187
Join date : 2012-08-07

Back to top Go down

"..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog." Empty Re: "..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog."

Post by nobody Fri Aug 17, 2012 3:58 am

Nagsusuri wrote:Ah, kapatid, ganito po. Sa abot po ng aking kaalaman sa Biblia, wala na pong ibang pakahulugan ang katagang "langit." Kayo po, kapatid? Maliban po sa II Pedro 3:7 na pinaniniwalaan po ninyong hindi literal ang pagkakagamit ng katagang "langit," meron pa po ba kayong maipapakitang talata na ang pagkakagamit ng "langit" ay figurative o hindi literal?
Marami yan kapatid. Isang halimbawa ay ang ulat ni Propeta Daniel na ganito ang mababasa:

"At yamang kanilang iniutos na iwan ang tuod ng mga ugat ng kahoy; ang iyong kaharian ay tunay na magiging iyo, pagkatapos na iyong maalaman na ang mga langit ay nagpupuno." - Daniel 4:26 Ang Dating Biblia

Literal ba na mga langit ang tinutukoy sa ulat ni Propeta Daniel? HINDI. Ang tinutukoy nya ay ang "kapamahalaan" o "pamamahala" ng Kataastaasang Diyos, si Jehova. [Awit 83:18] Ano ang patunay? Iaatras lang po natin ang pagbasa, tunghayan mo kapatid ang sinabi ni Propeta Daniel:

"Ito ang kahulugan, Oh hari, at siyang pasiya ng kataastaasan na sumapit sa aking panginoon na hari: Na ikaw ay mahihiwalay sa mga tao, at ang iyong tahanan ay mapapasama sa mga hayop sa parang, at ikaw ay pakakanin ng damo na gaya ng mga baka, at mababasa ka ng hamog ng langit, at makapitong mangyayari sa iyo; hanggang sa iyong maalaman na ang kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at nagbibigay niyaon sa kanino mang ibigin niya." - Daniel 4:24, 25 Ang Dating Biblia

Sino itong "kataastaasan" na tinutukoy ni Propeta Daniel? Muli, sumasagot ang Bibliya:

"Upang kanilang maalaman na ikaw lamang, na ang pangalan ay JEHOVA, ay Kataastaasan sa buong lupa." - Awit 83:18 Ang Dating Biblia

Kaya maliwanag na hindi lamang "iisa" ang maaaring maging kahulugan ng salitang "langit" ayon sa pagkakagamit dito ng Bibliya. Sumunod ay ang salitang "lupa." May iba pa po bang pagkakagamit dito ang Bibliya maliban sa "literal na lupa" o "planetang daigdig?" Pakisagot po muna sana para makausad tayo sa pag-aaral.
nobody
nobody
Napapadalas

Location : The Great Void
Posts : 58
Join date : 2012-08-01

Back to top Go down

"..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog." Empty Re: "..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog."

Post by colpurteur Fri Aug 17, 2012 7:40 am

Nagsusuri wrote:
ask wrote:Kung papansinin ang ulat ng 2 Pedro 3:7, 10 at gagawin nating literal ang unawa dito, lalabas na pati ang Langit ay magugunaw nga.

Ano ba ang naging kasalanan ng langit na kinaroonan ng Diyos para sunugin?

(Mateo 6:9) . . .‘Ama namin na nasa langit, . . .

Wala pa naman akong itinitindig brad eh. Sabagay, naniniwala talaga akong ang 'lupa' sa II Pedro 3:7, 10 ay ang lupang ito. Ang tanong mo

Ano ba ang naging kasalanan ng langit na kinaroonan ng Diyos para sunugin?

Ilan ba ang mga langit na tinutukoy ng Biblia? Tatlo.

II Corinto 12:2
Nakikilala ko ang isang lalake kay Cristo, na mayroong nang labingapat na taon (maging sa katawan, aywan ko; o maging sa labas ng katawan, aywan ko; Dios ang nakaaalam) na inagaw hanggang sa ikatlong langit.

Ano ba ang langit na susunugin?

Apocalipsis 21:1
At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na.

Ano itong unang langit?

Jeremiah 4:25, King James Version
I beheld, and, lo, there was no man, and all the birds of the heavens were fled.

Bakit ngayon ito susunugin?

Efeso 6:12
Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.

Amen? Maliwanag ba, kapatid?

Sali po ako, Ibig sabihin po sa paniniwala mo ang literal na lupa na ating tinatayuan ngayon ay masusunog o magugunaw sa pamamagitan ng elemento ng apoy, tama po ako kaibigan?
colpurteur
colpurteur
Baguhan

Posts : 12
Join date : 2012-08-04

http://jw.org

Back to top Go down

"..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog." Empty Re: "..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog."

Post by Nagsusuri Fri Aug 17, 2012 6:34 pm

colpurteur wrote:

Opo, kapatid.
Nagsusuri
Nagsusuri
Nahihilig

Posts : 187
Join date : 2012-08-07

Back to top Go down

"..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog." Empty Re: "..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog."

Post by nobody Tue Aug 21, 2012 2:43 am

Kaibigan, nauna rito ay pinatunayan ko, kaiba sa pinaniniwalaan mo, na ayon sa Bibliya ang salitang "langit" ay kung minsan ay ginagamit din sa simbolikal na paraan. Batay sa paggamit dito ng Daniel 4:26, ang salitang "langit" ay tumutukoy sa "nakatatas na awtoridad" o "nakatataas na pamahalaan o gobyerno." Ano po ang masasabi ninyo? Hindi nyo po kasi ito pinansin. Maaari ko po bang malaman ang pagkaunawa ng inyong samahan sa talatang ito?

Ngayon batay sa iyong sagot sa itaas, nais kong iquote:

Nagsusuri wrote:
ask wrote:Sali po ako, Ibig sabihin po sa paniniwala mo ang literal na lupa na ating tinatayuan ngayon ay masusunog o magugunaw sa pamamagitan ng elemento ng apoy, tama po ako kaibigan?
Opo, kapatid.

Ang tanong ko po:

May iba pa po bang pagkakagamit ang Bibliya sa salitang "lupa" maliban sa pakahulugan mong "literal na lupa" o "planetang daigdig?" Pakisagot po.
nobody
nobody
Napapadalas

Location : The Great Void
Posts : 58
Join date : 2012-08-01

Back to top Go down

"..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog." Empty Re: "..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog."

Post by Nagsusuri Tue Aug 21, 2012 10:13 am

Kapatid, ipalagay po natin na ang "pamamahala" nga ay isa sa maaaring kahulugan ng "langit." Ngunit, napatunayan ko naman sa Biblia na ang unang langit ay ang nakikita natin sa kaitaasan, halimbawa na nga ang immediate atmosphere ng mundo.

Basahin nga natin uli ang II Pedro 3:7,10

Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama.
Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.

Batay sa iyong pagpapaliwanag, ang langit sa Daniel 4:26 ay ang kapamahalaan ng Dios, at hindi mo maitatanggi iyan, kapatid.

Literal ba na mga langit ang tinutukoy sa ulat ni Propeta Daniel? HINDI. Ang tinutukoy nya ay ang "kapamahalaan" o "pamamahala" ng Kataastaasang Diyos, si Jehova. [Awit 83:18] Ano ang patunay? Iaatras lang po natin ang pagbasa, tunghayan mo kapatid ang sinabi ni Propeta Daniel:

Basahin po natin ang Daniel 4:26.

At yamang kanilang iniutos na iwan ang tuod ng mga ugat ng kahoy; ang iyong kaharian ay tunay na magiging iyo, pagkatapos na iyong maalaman na ang mga langit ay nagpupuno.

Ang langit, kamo, ay ang pamamahala ng Kataastaasang Dios, sa Daniel 4:26. Pansinin po ninyo na general ang pagkakasaad ng "mga langit" sa talata, at hindi espisipikong sa ikatlong langit na kinaroroonan ng Dios. Samakatuwid, ang "mga langit" sa Biblia ay ang kapamahalaan ng Dios, at hindi kapamahalaan lamang. Ngayon, basahin natin ang huling paliwanag mo:

Kaibigan, nauna rito ay pinatunayan ko, kaiba sa pinaniniwalaan mo, na ayon sa Bibliya ang salitang "langit" ay kung minsan ay ginagamit din sa simbolikal na paraan. Batay sa paggamit dito ng Daniel 4:26, ang salitang "langit" ay tumutukoy sa "nakatatas na awtoridad" o "nakatataas na pamahalaan o gobyerno." Ano po ang masasabi ninyo? Hindi nyo po kasi ito pinansin. Maaari ko po bang malaman ang pagkaunawa ng inyong samahan sa talatang ito?

Magkaiba na ito, kapatid.

Ang mga bagay na ating nakikita, mawawala, mga kapatid.

II Corinto 4:18
Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa mga bagay na nangakikita, kundi sa mga bagay na hindi nangakikita: sapagka't ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan; datapuwa't ang mga bagay na hindi nangakikita ay walang hanggan.

II Corinthians 4:18, New World Translation
while we keep our eyes, not on the things seen, but on the things unseen. For the things seen are temporary, but the things unseen are everlasting.

Ang unang langit na ating nakikita ay mawawala o mapaparam, ayon sa Apoc. 21:1. Kung pamamahala ang tinutukoy na mawawala sa II Pedro 3:10, ang unang langit bang literal ay mawawala rin? OO! Sapagkat ito'y nakikita! Tandaan niyo, mga kapatid kong Saksi ni Jehova, pagka nakikita, may katapusan. Nakikita ang unang langit ngayon, mawawala ito. Lalo nang nakikita natin ang lupang ito, mawawala ito. Maliwanag ba? Maitatanggi ba ninyo ang talatang II Corinto 4:18?

Granting, you are right in your explanation in II Peter 3:7,10. But can you deny II Corinthians 4:18, which states that "the things seen are temporary"?
Nagsusuri
Nagsusuri
Nahihilig

Posts : 187
Join date : 2012-08-07

Back to top Go down

"..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog." Empty Re: "..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog."

Post by Nagsusuri Tue Aug 21, 2012 10:25 am

Kaibigan, nauna rito ay pinatunayan ko, kaiba sa pinaniniwalaan mo, na ayon sa Bibliya ang salitang "langit" ay kung minsan ay ginagamit din sa simbolikal na paraan.

Kapatid, ang sabi ko po, "sa abot ng aking kaalaman sa Biblia," hindi ko po sinabing "sa aking paniniwala."
Nagsusuri
Nagsusuri
Nahihilig

Posts : 187
Join date : 2012-08-07

Back to top Go down

"..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog." Empty Re: "..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog."

Post by nobody Wed Aug 22, 2012 9:40 am

Nagsusuri wrote:Kapatid, ipalagay po natin na ang "pamamahala" nga ay isa sa maaaring kahulugan ng "langit." Ngunit, napatunayan ko naman sa Biblia na ang unang langit ay ang nakikita natin sa kaitaasan, halimbawa na nga ang immediate atmosphere ng mundo.

Wala tayong pag-uusapan sa "nakikita" natin sa kaitaasan. Ang pinag-uusapan natin ay KUNG PALAGI BANG LITERAL ang kahulugan ng salitang "langit" o "mga langit" ayon sa pagkakagamit ng Bibliya rito. Taliwas sa pag-aangkin mo na ibinatay mo sa iyong "kaalaman sa Biblia", ginagamit din ito sa SIMBOLIKAL na paraan. Kaya huwag po nating sabihing "ipalagay" pa, kasi napatunayan na e. May ebidensiya po tayo e at maliwanag naman di po ba kaibigan?

Sumunod ay nais mong pahinain ang patotoo ko sa paglilimita sa sinasabi ng talata. Gusto mong pakahuluganan lamang ang salitang "mga langit" sa Daniel 4:26 na ito ay tumutukoy lamang sa "kapamahalaan" o "pamamahala ng Diyos." Ito ang sinabi mo:

Nagsusuri wrote:Batay sa iyong pagpapaliwanag, ang langit sa Daniel 4:26 ay ang kapamahalaan ng Dios, at hindi mo maitatanggi iyan, kapatid.

Iyan lang ba ang sinabi ko? HINDI. Muli, sana ay wag tayong magpilipitan ng pahayag para maging mabunga po ang pag-aaral. Gusto kong liwanagin ang punto ko. Tanging ang "pamamahala ng Diyos" lamang ba ang tinutukoy ng Daniel 4:26? Ito po ang karagdagan kong sinabi:

nobody wrote:Batay sa paggamit dito ng Daniel 4:26, ang salitang "langit" ay tumutukoy sa "nakatatas na awtoridad" o "nakatataas na pamahalaan o gobyerno."

Bakit ko nasabi iyan kaibigan? Balikan po natin ang mga naunang talata:

"Ito ang kahulugan, Oh hari, at siyang pasiya ng kataastaasan na sumapit sa aking panginoon na hari: Na ikaw ay mahihiwalay sa mga tao, at ang iyong tahanan ay mapapasama sa mga hayop sa parang, at ikaw ay pakakanin ng damo na gaya ng mga baka, at mababasa ka ng hamog ng langit, at makapitong mangyayari sa iyo; hanggang sa iyong maalaman na ang kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at nagbibigay niyaon sa kanino mang ibigin niya." - Daniel 4:24, 25 Ang Dating Biblia

Sa pamamahala lamang ba ng Diyos tumutukoy? Pansinin ang bigat ng diin sa huling bahagi - "AT NAGBIBIGAY NIYAON SA KANINO MANG IBIGIN NIYA! Malinawag pa sa sikat ng araw kaibigan, HINDI iisa ang tinutukoy dito. Mayroon nga bang binigyan ang Diyos ng mga kapamahalaan? MERON po! At kahit hindi ko na itawag pansin sa iyo ay malamang na alam mo na yan.

Babalikan natin ang 2Cor. 4:18 mo kapag naliwanagan na natin ang iba pang punto. So ipoposte ko po ulit ang tanong na hindi mo sinagot:

May iba pa po bang pagkakagamit ang Bibliya sa salitang "lupa" maliban sa pakahulugan mong "literal na lupa" o "planetang daigdig?" Pakisagot po.
nobody
nobody
Napapadalas

Location : The Great Void
Posts : 58
Join date : 2012-08-01

Back to top Go down

"..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog." Empty Re: "..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog."

Post by nobody Wed Aug 22, 2012 9:42 am

Nagsusuri wrote:
Kaibigan, nauna rito ay pinatunayan ko, kaiba sa pinaniniwalaan mo, na ayon sa Bibliya ang salitang "langit" ay kung minsan ay ginagamit din sa simbolikal na paraan.

Kapatid, ang sabi ko po, "sa abot ng aking kaalaman sa Biblia," hindi ko po sinabing "sa aking paniniwala."

Kaibigan, yoon bang mga bagay na ibinatay mo "sa abot ng [iyong] kaalaman sa Biblia" e HINDI MO PINANINIWALAAN? Parang kakatwa naman yata ang pahayag mo. confused
nobody
nobody
Napapadalas

Location : The Great Void
Posts : 58
Join date : 2012-08-01

Back to top Go down

"..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog." Empty Re: "..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog."

Post by Nagsusuri Thu Aug 23, 2012 12:57 pm

Kapatid, balik po tayo sa II Pedro 3:7. Ipalagay na po nating may iba pa ngang pinaggagamitan ang mga langit at lupa sa Biblia. Ngayon, ano ba ang isinasaad ng konteksto ng talatang nabanggit? Basahin po nating maigi ang mga talatang nauna at sumunod.

II Pedro 3:3-7,10-13
Na maalaman muna ito, na sa mga huling araw ay magsisiparito ang mga manunuya na may pagtuya, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita,
At magsisipagsabi, Saan naroon ang pangako ng kaniyang pagparito? sapagka't, buhat nang araw na mangatulog ang mga magulang, ay nangananatili ang lahat ng mga bagay na gaya ng kalagayan nila mula nang pasimulan ang paglalang.
Sapagka't sadyang nililimot nila, na mayroong sangkalangitan mula nang unang panahon, at isang lupang inanyuan sa tubig at sa gitna ng tubig, sa pamamagitan ng salita ng Dios;
Na sa pamamagitan din nito ang sanglibutan noon, na inapawan ng tubig, ay napahamak:
Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama.
Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.
Yamang ang lahat ng mga bagay na ito ay mapupugnaw ng ganito, ano ngang anyo ng mga pagkatao ang nararapat sa inyo sa banal na pamumuhay at pagkamaawain,
Na ating hinihintay at pinakananasa ang pagdating ng kaarawan ng Dios, na dahil dito'y ang sangkalangitan na nagniningas ay mapupugnaw, at ang mga bagay sa langit ay matutunaw sa matinding init?
Nguni't, ayon sa kaniyang pangako, ay naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, na tinatahanan ng katuwiran.

Lilipas po talaga ang langit at lupang tinatahanan ay mawawala. Basa:

Isaias 51:6
Itingin ninyo ang inyong mga mata sa mga langit, at magsitungo kayo sa lupa sa ibaba; sapagka't ang mga langit ay mapapawing parang usok, at ang lupa ay malulumang parang bihisan; at silang nagsisitahan doon ay mangamamatay ng gayon ding paraan: nguni't ang pagliligtas ko ay magpakailan man, at ang aking katuwiran ay hindi mawawakasan.
Nagsusuri
Nagsusuri
Nahihilig

Posts : 187
Join date : 2012-08-07

Back to top Go down

"..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog." Empty Re: "..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog."

Post by Nagsusuri Thu Aug 23, 2012 1:22 pm

Marahil po ay maguluhan kayo sa sagot ko. Nagsasalita po ako generally, pagka wala akong binabanggit na pangalan.
Nagsusuri
Nagsusuri
Nahihilig

Posts : 187
Join date : 2012-08-07

Back to top Go down

"..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog." Empty Re: "..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog."

Post by nobody Thu Aug 30, 2012 9:29 am

Nagsusuri wrote:
nobody wrote:
Nagsusuri wrote:
Kaibigan, nauna rito ay pinatunayan ko, kaiba sa pinaniniwalaan mo, na ayon sa Bibliya ang salitang "langit" ay kung minsan ay ginagamit din sa simbolikal na paraan.

Kapatid, ang sabi ko po, "sa abot ng aking kaalaman sa Biblia," hindi ko po sinabing "sa aking paniniwala."

Kaibigan, yoon bang mga bagay na ibinatay mo "sa abot ng [iyong] kaalaman sa Biblia" e HINDI MO PINANINIWALAAN? Parang kakatwa naman yata ang pahayag mo. confused

Kapatid, balik po tayo sa II Pedro 3:7. Ipalagay na po nating may iba pa ngang pinaggagamitan ang mga langit at lupa sa Biblia. Ngayon, ano ba ang isinasaad ng konteksto ng talatang nabanggit? Basahin po nating maigi ang mga talatang nauna at sumunod.

II Pedro 3:3-7,10-13
Na maalaman muna ito, na sa mga huling araw ay magsisiparito ang mga manunuya na may pagtuya, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita,
At magsisipagsabi, Saan naroon ang pangako ng kaniyang pagparito? sapagka't, buhat nang araw na mangatulog ang mga magulang, ay nangananatili ang lahat ng mga bagay na gaya ng kalagayan nila mula nang pasimulan ang paglalang.
Sapagka't sadyang nililimot nila, na mayroong sangkalangitan mula nang unang panahon, at isang lupang inanyuan sa tubig at sa gitna ng tubig, sa pamamagitan ng salita ng Dios;
Na sa pamamagitan din nito ang sanglibutan noon, na inapawan ng tubig, ay napahamak:
Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama.
Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.
Yamang ang lahat ng mga bagay na ito ay mapupugnaw ng ganito, ano ngang anyo ng mga pagkatao ang nararapat sa inyo sa banal na pamumuhay at pagkamaawain,
Na ating hinihintay at pinakananasa ang pagdating ng kaarawan ng Dios, na dahil dito'y ang sangkalangitan na nagniningas ay mapupugnaw, at ang mga bagay sa langit ay matutunaw sa matinding init?
Nguni't, ayon sa kaniyang pangako, ay naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, na tinatahanan ng katuwiran.

Lilipas po talaga ang langit at lupang tinatahanan ay mawawala. Basa:

Isaias 51:6
Itingin ninyo ang inyong mga mata sa mga langit, at magsitungo kayo sa lupa sa ibaba; sapagka't ang mga langit ay mapapawing parang usok, at ang lupa ay malulumang parang bihisan; at silang nagsisitahan doon ay mangamamatay ng gayon ding paraan: nguni't ang pagliligtas ko ay magpakailan man, at ang aking katuwiran ay hindi mawawakasan.

Bakit hindi nyo po sinagot ang tanong ko kaibigan sa itaas?

nobody wrote:yoon bang mga bagay na ibinatay mo "sa abot ng [iyong] kaalaman sa Biblia" e HINDI MO PINANINIWALAAN?

Nasaan po ang sagot mo dyan? Bakit po kayo bumalik kaagad sa 2 Pedro e. Linawin po muna natin ang ilang punto.

Una ay, nabigyang liwanag na natin na ang salitang "langit" o "mga langit" ay ginagamit din sa simbolikal na paraan, di po ba? Ngayon, bago natin bigyan ng konklusyon ang 2 Pedro, sagutin mo muna ang tanong ko na may kaugnayan sa talatang pinag-uusapan.

nobody wrote:"May iba pa po bang pagkakagamit ang Bibliya sa salitang "lupa" maliban sa pakahulugan mong "literal na lupa" o "planetang daigdig?" Pakisagot po."

Pakisagot naman po muna.

nobody
nobody
Napapadalas

Location : The Great Void
Posts : 58
Join date : 2012-08-01

Back to top Go down

"..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog." Empty Re: "..ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog."

Post by Sponsored content

Sponsored content

Back to top Go down

Page 1 of 2 1, 2  Next

Back to top

- Similar topics

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum