Lagi Ka Bang Gahol sa Oras?
Page 1 of 1
Lagi Ka Bang Gahol sa Oras?
Halos kahit saan, nagkukumahog ang mga tao sa paggawa ng mga dapat gawin—at baka nga hindi pa kasama rito ang mga bagay na talagang mahalaga sa kanila. Baka nauubos ang oras nila sa pagkukumpuni ng kotse, pagsunod sa ipinagagawa ng boss, o pagharap sa mga biglaang pang-abala. Habang pilit mong inaasikaso ang mga bagay-bagay, baka madama mong wala ka nang kontrol sa oras mo. Baka nga dahil sa lagi ka na lang naghahabol sa oras, hindi ka na nasisiyahan sa buhay mo.
Siyempre pa, kinukumbinsi mo ang sarili mo na pansamantala lang ito. Sa kalaunan, magkakaroon ka rin ng panahon sa mga bagay na talagang mahalaga sa iyo—mga bagay na talagang magdudulot ng kasiyahan sa iyo, sa iyong pamilya, at sa ibang tao. Pero kailan? Maisasama mo ba iyan sa iskedyul mo ngayon? Ngayong linggo? Sa susunod na buwan?
Ang totoo, hindi babagal ang pag-ikot ng mundong ginagalawan mo. Pero may magagawa ka para magkaroon ka ng higit na panahon. Ano?
Gaano kadalas mong binibigyan ng panahon ang mga bagay na talagang mahalaga sa iyo?
◯ Araw-araw
◯ Tuwing dulo ng sanlinggo
◯ Napakadalang
Sa isang karaniwang araw, sa tingin mo ba’y
◯ Nagagawa mo ang mga iniskedyul mong gawin?
◯ May sinusunod kang rutin na nakakahadlang sa mga plano mong gawin?
◯ Basta-basta mo na lang ginagawa anuman ang hingin ng pagkakataon?

◯ Kontrolado mo ang mga bagay-bagay?
◯ Napipilitan kang gawin ang mga di-makatuwirang kahilingan sa iyo?
◯ Santambak ang iyong gawain, anupat halos wala ka nang pahinga?
Sa pagtatapos ng araw, nagagawa mo ba ang mga bagay na talagang mahalaga?
◯ Oo
◯ Oo, pero hindi nga lang maayos
◯ Hindi
Sa pagtatapos ng araw, ano ang kadalasang pakiramdam mo?
◯ Kontento at masaya
◯ Pagod, tensiyonado, at parang walang nagawa
◯ Dismayado
Pinagkunan: Gumising, Abril 2010 na isyu, pahina 3.

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum