IN LIGHT OF THE SCRIPTURES
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Ang Ibong Mandaragit

3 posters

Go down

Ang Ibong Mandaragit Empty Ang Ibong Mandaragit

Post by toymachine Thu Aug 30, 2012 7:29 pm

Sa pagsusuri ko po hanggang ngayon ay hindi ko parin makita ang dahilan kung papaano naging si Mr. Felix Manalo ang ibong mandaragit na nasa aklat ng Isaias. Ang tanong ko ay simple lang e:

Papaano naging katulad ang gawain ni Mr. Felix Manalo sa gawain ng ibong mandaragit? Kapag sa Bibliya kasi, ang ibong ito ay naninila o pumapatay e, hindi naman nagliligtas. Pwede bang ipaliwanag ng mga INC ito?
affraid
toymachine
toymachine
Baguhan

Posts : 11
Join date : 2012-08-06

Back to top Go down

Ang Ibong Mandaragit Empty Re: Ang Ibong Mandaragit

Post by nobody Fri Aug 31, 2012 9:32 pm

Ano po ang paliwanag ng mga INC patungkol dito? Mukang interesante ah. cat
nobody
nobody
Napapadalas

Location : The Great Void
Posts : 58
Join date : 2012-08-01

Back to top Go down

Ang Ibong Mandaragit Empty Tuligsa sa Aral ng Iglesia ni Cristo sa Isaias 46:11 - Part I

Post by Nagsusuri Sat Sep 01, 2012 2:41 am

Ayon sa Iglesia ni Kristo, sino ba ang Ibong Mandaragit sa Isaias 46:11?

Ang pangangaral ni Kapatid na Manalo ang katuparan ng hula sa Isaias 46:11. Ang kapatid na Manalo ang tinutukoy na ibong mandaragit at ang Pilipinas ang malayong silangan.

Source: Pasugo, p. 52, May-June 1983
From the Far East, God declared He would send a ravenous bird whose task will be to bring His people back to righteousness. That "ravenous bird" in the prophecy is Brother Felix Y. Manalo and no other.

Source: Pasugo, p. 20, May-June 1982
Samakatuwid, ang taong sinugo ng Diyos na itinulad sa ibong mandaragit ay mula sa malayong Silangan o Pilipinas. Sino ang sugong ito? Ito ang sugo ng Diyos sa huling araw na ito'y walang iba kundi si Kapatid na Felix Manalo.

Source: Ang Pagbubunyag sa Iglesia ni Cristo, p. 134

Ngunit, isang dating tagapangasiwa ng secretariat ng Iglesia ni Cristo ay nanghamon na patunayan daw ng mga Iglesia ni Cristo na si G. Felix Manalo ang ibong mandaragit sa Isaias 46:11.

Si G. Felix Manalo nga ba ang ibong mandaragit (o "ravenous bird") na nasa Isaias 46:11? Patunayan nga nila ito ng hindi gagamit ang ibang aklat kundi Biblia?

Source: Ang Mga Lihim at Mga Kabulaanan ng Iglesia ni Kristo (Manalo), by Dr. Melanio P. Gabriel Jr., p. 53

Kaya, ang paksa natin ngayon ay,


Kung sino nga ba kinatuparan ng ibong mandaragit sa Isaias 46:11 ayon sa Biblia.
==============================

Una nating, tanungin: Saan manggagaling ang ibong mandaragit na hinuhulaan sa Isa. 46:11?

Basahin po natin ang talata:

Isaias 46:11
11 Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.


Saan po manggagaling? Sa silanganan ng isang malayong lupain. Pero, batay sa paliwanag ng Iglesia ni Cristo, ito raw ay sa malayong silangan. Mali. Sapagkat, ang sabi sa talata "..mula sa silanganan.. mula sa malayong lupain."

Isaiah 46:11, Contemporary English Version
and brought someone from a distant land to do what I wanted. He attacked from the east, like a hawk swooping down. Now I will keep my promise and do what I planned.


Itong panggagalingan ng ibong mandaragit, na sa silanganan ng isang malayong lupain, saan ba ito partikular? Ulitin natin ang pagbasa at ituloy natin:

Isaias 46:11-13
11 Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.
12 Inyong dinggin ako, ninyong may mapagmatigas na loob; na malayo sa katuwiran:
13 Aking inilalapit ang aking katuwiran, hindi maglalaon at ang aking pagliligtas ay hindi magluluwat: at aking ilalagay ang kaligtasan sa Sion na ukol sa Israel na aking kaluwalhatian.


Malayo pala ito sa Israel.

[You must be registered and logged in to see this image.]
Source: [You must be registered and logged in to see this link.]


Ayon po sa mapa ng Ancient Near East, anong lugar ang malayo sa Israel? Yung Persia, di po ba? Yung ibang mga bansa, eh malapit-lapit na. Eh pag nasa Persia ka, malayu-layo pa ang lalakbayin.

Pero, huwag muna tayong mag-isip na Persia na nga ang tinutukoy na malayong lupain, hangga't hindi pa natin napatutunayan sa Biblia. Bago nating tuluyang masagot ang unang tanong, magtanong uli tayo: Sino ba ang tinutukoy na ibong mandaragit sa Isa. 46:11?

Basahin natin:

Isaias 45:1,13
1 Ganito ang sabi ng Panginoon sa kaniyang pinahiran ng langis, kay Ciro, na ang kanang kamay ay aking hinawakan, upang magpasuko ng mga bansa sa harap niya; at aking kakalagan ang mga balakang ng mga hari; upang magbukas ng mga pintuan sa unahan niya, at ang mga pintuang-bayan ay hindi masasarhan;
13 Aking ibinangon siya sa katuwiran, at aking tutuwirin ang lahat niyang lakad; kaniyang itatayo ang aking bayan, at kaniyang palalayain ang aking mga natapon, hindi sa halaga o sa kagantihan man, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.


Sino ho? Si Haring Ciro ng Persia. Bakit tayo nakatitiyak na siya nga ang sinasabi sa hula?

Isaias 45:3
3 At ibibigay ko sa iyo ang mga kayamanang nasa kadiliman, at ang mga natatagong kayamanan sa mga lihim na dako, upang inyong maalaman na ako ang Panginoon na tumatawag sa iyo sa inyong pangalan, sa makatuwid baga'y ang Dios ng Israel.


Oh, tumatawag, ang wika, ang Panginoon sa kanya sa kanyang pangalan. Eh si G. Manalo ba, tinawag ng Panginoon sa kanyang pangalan? Wala ngang "Felix Manalo" sa Biblia eh. Pero, si Haring Ciro, yung kanyang pangalan, nasa Biblia!

Ano ang katunayan natin na si Haring Ciro nga ang kinatuparan ng hula?

II Cronica 36:22-23
22 Sa unang taon nga ni Ciro na hari sa Persia, upang ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias ay maganap, kinilos ng Panginoon ang loob ni Ciro na hari sa Persia, na siya'y nagtanyag sa kaniyang buong kaharian, at isinulat din naman, na sinasabi,
23 Ganito ang sabi ni Ciro na hari sa Persia: Lahat ng kaharian sa lupa ay ibinigay sa akin ng Panginoon, ng Dios ng langit; at kaniyang binilinan ako na ipagtayo siya ng isang bahay sa Jerusalem, na nasa Juda. Sinomang mayroon sa inyo sa buong kaniyang bayan, sumakaniya nawa ang Panginoon niyang Dios, at umahon siya.


Amen? Kaya yung sa ikalawang tanong natin, na kung sino ang ibong mandaragit, ito ay ang Haring Ciro ng Persia. Kaya, nasagot na rin yung unang tanong natin na galing nga sa Persia ang ibong mandadagit. Ang tungkulin ng ibong mandadagit, ibalik ang mga Israelita sa katuwiran (Isa. 46:11). Ang ibong ito ay tumutukoy nga kay Haring Ciro (Isa. 45:13). At natupad nga sa kanya (II Cronica 36:23).

==============================

Part I pa lang po ito, mga kapatid. Di pa ako nangangalahati sa pagtuligsa.

Sumaatin nawa ang kapayapaan at karunungang mula sa Dios. Smile
Nagsusuri
Nagsusuri
Nahihilig

Posts : 187
Join date : 2012-08-07

Back to top Go down

Ang Ibong Mandaragit Empty Tuligsa sa Aral ng Iglesia ni Cristo sa Isaias 46:11 - Part II

Post by Nagsusuri Sat Sep 01, 2012 3:11 am

Muli ay magpapasimula tayo sa pagtuligsa sa aral ng Iglesia ni Kristo sa Isaias 46:11.

Ang paksa po natin ngayon ay:

Mayroon pa bang ibang kinatuparan sa hula sa Isaias 46:11, maliban kay Haring Ciro?

Una nating tanungin: May posibilidad ba na ang hula sa Banal na Kasulatan ay matupad ng mahigit sa isang beses?

Meron. Basahin natin ang isang talata sa Biblia.

Jeremias 1:5
Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita; inihalal kitang propeta sa mga bansa.


Si Propeta Jeremias, tinawag na ng Dios bago pa man siya lumabas sa bahay-bata. Meron pa bang ibang tao na tinawag ng Dios habang nasa bahay-bata pa?

Isaias 49:1
Kayo'y magsipakinig sa akin, Oh mga pulo; at inyong pakinggan, ninyong mga bayan, sa malayo: tinawag ako ng Panginoon mula sa bahay-bata; mula sa bahay-bata ng aking ina ay binanggit niya ang aking pangalan:


Si Propeta Isaias, tinawag din mula pa sa bahay-bata. Sinu-sino pa? Si Hesus (Mateo 1:20-21), si Juan Bautista (Lucas 1:15), at si Pablo (Galacia 1:15-16.) Kaya, sa tanong natin na kung may posibilidad ba na maulit muli ang hula sa Biblia, meron.

Ecclesiastes 3:15
Ang nangyari sa nagdaan ay nangyari na; at ang mangyayari pa ay nangyari na rin; at hinahanap uli ng Dios ang nakaraan na.


Ikalawa nating tanong ay: Mayroon pa bang ibang kinatuparan sa hula sa Isaias 46:11, maliban kay Haring Ciro?

Meron. Ang ating Panginoong HesuKristo ang kinatuparan rin ng hula sa Isaias 46:11, sapagkat nangaral siya sa Israel. Ano ang patunay na Siya nga?

Efeso 2:11-14
11 Kaya nga alalahanin ninyo, na kayo noong una, mga Gentil sa laman, tinatawag na Di-pagtutuli niyaong tinatawag na Pagtutuli sa laman, na ginawa ng mga kamay:
12 Na kayo nang panahong yaon ay mga hiwalay kay Cristo, na mga di kabilang sa bansa ng Israel, at mga taga ibang lupa tungkol sa mga tipan ng pangako, na walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan.
13 Datapuwa't ngayon kay Cristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo ay inilapit sa dugo ni Cristo.
14 Sapagka't siya ang ating kapayapaan, na kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay,


Maaari ring matupad ito kay Apostol Pedro, sapagkat siya ang Apostol sa mga Hudio sa Israel! Surprised
Open-ended pa rin ang ilang mga hula sa Biblia. Bakit? Ulitin natin:

Ecclesiastes 3:15
Ang nangyari sa nagdaan ay nangyari na; at ang mangyayari pa ay nangyari na rin; at hinahanap uli ng Dios ang nakaraan na.
Nagsusuri
Nagsusuri
Nahihilig

Posts : 187
Join date : 2012-08-07

Back to top Go down

Ang Ibong Mandaragit Empty Tuligsa sa Aral ng Iglesia ni Cristo sa Isaias 46:11 - Part II (Continuation)

Post by Nagsusuri Sat Sep 01, 2012 3:26 am

Mga kapatid, alam po natin na mayroon talagang pagdududa kung si Kristo nga ba ang isa sa kinatuparan ng Isaias 46:11. Tingnan natin ang mapa kung saan galing ang ating Panginoong HesuKristo sa kanyang pagkakatawang-tao.

[You must be registered and logged in to see this image.]
Source: [You must be registered and logged in to see this link.]

[You must be registered and logged in to see this image.]
Source: [You must be registered and logged in to see this link.]

[You must be registered and logged in to see this image.]
Source: [You must be registered and logged in to see this link.]

[You must be registered and logged in to see this image.]
Source: [You must be registered and logged in to see this link.]

Si Hesus, galing sa Bethlehem. Ang Bethlehem, nasa silangan ng Israel, di po ba, mga kapatid?
Nagsusuri
Nagsusuri
Nahihilig

Posts : 187
Join date : 2012-08-07

Back to top Go down

Ang Ibong Mandaragit Empty Re: Ang Ibong Mandaragit

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum