Bentaha ng "New World Translation" - Introduction
Page 1 of 1

NITONG nakaraang mga taon ay napalathala ang ilang makabagong salin ng Bibliya na tumulong sa mga umiibig sa Salita ng Diyos na unawain ang diwa ng orihinal na mga kasulatan. Subalit maraming salin ang nag-alis ng banal na pangalan mula sa sagradong ulat. Gayunman, dinadakila at pinararangalan ng New World Translation ang mahal na pangalan ng Kataas-taasang Diyos sa pamamagitan ng pagsasauli nito sa wastong dako sa teksto. Ito ay lumilitaw ngayon sa 6,973 dako sa Kasulatang Hebreo, at sa 237 dako sa Kasulatang Griyego, para sa kabuuang 7,210. Ang anyong Yahweh ay karaniwan nang pinapaboran ng mga iskolar na Hebreo, subalit hindi malaman ngayon ang tiyak na pagbigkas. Kaya ang anyong Latin na Jehova ay patuloy na ginagamit sapagkat maraming dantaon na itong nakasanayan at ito ang pinaka-kilalang saling Ingles sa Tetragramaton, o ang apat-na-titik na pangalang Hebreo na יהוה. Sinabi ng Hebreong iskolar na si R. H. Pfeiffer: “Bagaman hindi tiyak ang pinagmulan nito, ‘Jehova’ ang wastong salin sa Ingles ng Yahweh, noon at ngayon.”
Ang New World Translation ay hindi ang unang salin na nagsauli ng banal na pangalan sa Kristiyanong Kasulatang Griyego. Kasing-aga pa ng ika-14 na siglo, marami na ang nakadama na dapat isauli sa teksto ang pangalan ng Diyos, lalo na sa mga dako na kung saan ang mga manunulat ng Kristiyanong Kasulatang Griyego ay sumisipi sa mga teksto ng Kasulatang Hebreo na naglalaman ng banal na pangalan. Maraming makabagong-wikang salin ng mga misyonero, gaya ng Aprikano, Asyano, Amerikano, at kapuluang-Pasipikong mga salin ng Kasulatang Griyego, ang malayang gumagamit ng pangalang Jehova, tulad din ng ibang salin sa wikang Europeo. Kapag isinasalin ang banal na pangalan, nawawala ang alinlangan sa kung aling “panginoon” ang tinutukoy. Yao’y ang Panginoon ng langit at lupa, si Jehova, na ang pangalan ay pinagiging-banal at ibinubukod-tangi sa New World Translation of the Holy Scriptures.
Higit pang pinagiging-banal ng New World Translation ang pangalan ni Jehova sa pamamagitan ng paghaharap ng mga kinasihang Kasulatan sa malinaw, nauunawaang lenguwahe na sa payak na paraan ay naghahatid ng talagang kahulugan sa isipan ng bumabasa. Ito ay gumagamit ng simple, makabagong pananalita, may pagkapare-pareho sa pagsasalin, wastong naghaharap ng kilos o kaukulan na ipinapahayag ng mga pandiwang Hebreo at Griyego, at nagpapakita ng pagkakaiba ng pangmaramihan at pang-isahang bilang ng panghalip na “you” at sa paggamit ng pautos na tinig ng pandiwa kapag hindi ito nililinaw ng konteksto. Sa ganitong mga paraan at sa tulong ng makabagong wika ay nililiwanag ng New World Translation, hangga’t maaari, ang puwersa, ganda, at kahulugan ng orihinal na mga kasulatan.

Similar topics
» Bentaha ng "New World Translation" - Part 1
» Bakit po LAMSA translation ang ginagamit ng mga INC kapag Acts 20:28 ang binabasa?
» Bakit po LAMSA translation ang ginagamit ng mga INC kapag Acts 20:28 ang binabasa?
Page 1 of 1
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum