Bentaha ng "New World Translation" - Part 1
Page 1 of 1

ISINALIN SA MAKABAGONG WIKA
Ang matatandang salin ng Bibliya ay maraming lipas na salitang uso pa noong ika-16 at ika-17 siglo. Bagaman hindi na nasasakyan ngayon, madaling unawain ang mga ito noon. Halimbawa, isa na naglakip ng mga ito sa Bibliyang Ingles ay si William Tyndale, na nagsabi sa isa niyang katunggali sa relihiyon: ‘Kung ililigtas ng Diyos ang aking buhay, ang mga Kasulatan ay sisikapin kong maunawaan ng isang batang mag-aararó nang higit kaysa sa iyo.’ Ang salin ni Tyndale ng Kasulatang Griyego ay napakadaling maunawaan ng isang batang mag-aararó nang panahon niya. Subalit, marami sa mga salitang ginamit niya ay antigo na ngayon, anupat ang ‘isang batang mag-aararó’ ay mahirap nang makaunawa sa kahulugan ng maraming salita sa King James at iba pang matatandang salin ng Bibliya. Kaya kinailangang alisin ang mga lambong ng antigong wika at isauli ang Bibliya sa ordinaryong lenguwahe ng karaniwang tao.
Wika ng karaniwang tao ang ginamit sa pagsulat ng kinasihang Kasulatan. Hindi ginamit ng mga apostol at ng iba pang sinaunang Kristiyano ang klasikal na Griyego ng mga pilosopong gaya ni Plato. Ginamit nila ang pang-araw-araw na Griyego, alalaong baga, ang Koine, o karaniwang Griyego. Kaya ang Kasulatang Griyego, gaya ng naunang Kasulatang Hebreo, ay isinulat sa wika ng mga tao. Upang madaling maunawaan, napakahalaga na ang mga salin ng orihinal na Kasulatan ay gawin din sa wika ng mga tao. Kaya ang New World Translation ay hindi gumagamit ng antigong wika ng nakalipas na tatlo o apat na siglo, kundi ng malinaw, makahulugan at makabagong pananalita upang ang sinasabi ng Bibliya ay agad masakyan ng mga bumabasa.
Bilang halimbawa ng pagbabago ng wikang Ingles mula noong ika-17 hanggang sa ika-20 siglo, ay ang mga paghahambing na ito ng King James Version at New World Translation. Ang “suffered” sa King James Version ay nagiging “allowed (ipinahintulot)” sa New World Translation (Gen. 31:7), ang “was bolled” ay nagiging “had flower buds (namulaklak)” (Exo. 9:31), ang “spoilers” ay nagiging “pillagers (mandarambong)” (Huk. 2:14), ang “ear his ground” ay nagiging “do his plowing (mag-araro)” (1 Sam. 8:12), ang “when thou prayest” ay nagiging “when you pray (kapag nananalangin)” (Mat. 6:6), ang “sick of the palsy” ay nagiging “paralytic (lumpo)” (Mar. 2:3), ang “quickeneth” ay nagiging “makes . . . alive (buhayin)” (Roma 4:17), ang “shambles” ay nagiging “meat market (pamilihan ng karne)” (1 Cor. 10:25), ang “letteth” ay nagiging “acting as a restraint (humahadlang)” (2 Tes. 2:7), at patuloy pa. Kaya lalong mapapahalagahan ang paggamit ng New World Translation sa kasalukuyang mga salita sa halip na yaong lipas na.

Similar topics
» Bentaha ng "New World Translation" - Introduction
» Bakit po LAMSA translation ang ginagamit ng mga INC kapag Acts 20:28 ang binabasa?
» Ang Ibong Mandaragit

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum