IN LIGHT OF THE SCRIPTURES
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Bakit Dapat Nating Gamitin ang Pangalan ng Diyos?

Go down

Bakit Dapat Nating Gamitin ang Pangalan ng Diyos? Empty Bakit Dapat Nating Gamitin ang Pangalan ng Diyos?

Post by colpurteur Fri Aug 17, 2012 8:17 am



Bakit Dapat Nating Gamitin ang Pangalan ng Diyos?

Tinatalakay ng artikulong ito ang mga tanong na maaaring naiisip mo at ipinakikita kung saan sa iyong Bibliya matatagpuan ang sagot. Nais ng mga Saksi ni Jehova na ipakipag-usap sa iyo ang mga sagot na ito.

1. Bakit binigyan ng Diyos ng pangalan ang kaniyang sarili?


Tiyak na mas gusto mong tawagin ka sa iyong pangalan kaysa sa mga titulong “sir,” “mister,” “ma’am,” o “miss.” Nakatutulong ang pangalan para makilala ka bilang isang indibiduwal. Ang Diyos ay tinatawag sa mga titulong ‘Soberanong Panginoon,’ “Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat,” at “Dakilang Maylalang.” (Genesis 15:2; 17:1; Eclesiastes 12:1) Pero binigyan din niya ng pangalan ang kaniyang sarili para tulungan tayong magkaroon ng personal na kaugnayan sa kaniya. Ang pangalan ng Diyos ay Jehova.—Basahin ang Isaias 42:8.

Kahit na ang pangalan ng Diyos ay pinalitan ng maraming tagapagsalin ng Bibliya ng mga terminong “Diyos” at “Panginoon,” halos 7,000 ulit pa rin itong makikita sa sinaunang mga manuskritong Hebreo ng Bibliya. Talagang gusto ng Diyos na makilala siya ng mga tao sa kaniyang pangalan!—Basahin ang Isaias 12:4.

2. Bakit mahalagang makilala ang Diyos sa kaniyang pangalan?


Ang pagkakilala sa pangalan ng Diyos ay hindi lang basta pagkaalam kung paano iyon bibigkasin. Nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng malapít na kaugnayan sa kaniya. Ang ibig sabihin ng pangalang Jehova ay “Kaniyang Pinangyayaring Magkagayon.” Tinitiyak nito na ang Diyos ay magiging anuman na kinakailangan para matupad ang kaniyang layunin. Kaya ang pagkakilala sa pangalan ng Diyos ay nangangahulugan ng paniniwala na tutuparin ng Diyos ang kaniyang mga pangako. (Awit 9:10) Dahil sa pananampalataya ng mga taong nakaaalam ng pangalan ng Diyos at gumagamit nito, nagtitiwala sila kay Jehova at inuuna nila siya sa kanilang buhay. Ipagsasanggalang sila ng Diyos na Jehova.—Basahin ang Awit 91:14.

3. Bakit gusto ng Diyos na makilala siya ng mga tao sa kaniyang pangalan?

Dahil makikinabang sila rito. Sila ay magiging kaibigan ng Diyos, at magkakaroon ng pag-asang mabuhay magpakailanman. Hindi nga kataka-takang gusto ni Jehova na ipakilala natin siya sa kaniyang pangalan!—Basahin ang Juan 17:3; Roma 10:13, 14.

Ipinakilala ni Jesus ang pangalan ng Diyos sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga tao ng tungkol sa mga daan, kautusan, at mga pangako ng Diyos. Sa ngayon, patuloy na ipinakikilala ng mga tagasunod ni Jesus ang pangalan ng Diyos sa lahat ng tao. Ginagawa nila ito bilang isang nagkakaisang ‘bayan ukol sa pangalan ng Diyos.’—Basahin ang Gawa 15:14; Juan 17:26.

4. Paano luluwalhatiin ng Diyos ang kaniyang pangalan?

Gusto ng Diyos na luwalhatiin ang kaniyang pangalan dahil sinisiraan ito. Halimbawa, may mga nagsasabing hindi sa kaniya nagmula ang buhay at hindi natin siya kailangang sundin. Sinasabi naman ng iba na wala siyang pakialam sa atin at na siya ang dapat sisihin sa ating pagdurusa. Sinisiraang-puri ng gayong mga tao ang pangalan ng Diyos. Pero may hangganan ito. Lilipulin ng Diyos ang mga cute sa kaniyang pangalan.—Basahin ang Awit 83:17, 18.

Luluwalhatiin ni Jehova ang kaniyang pangalan kapag winakasan na ng kaniyang Kaharian ang lahat ng pamahalaan ng tao at naisauli na nito ang kapayapaan at katiwasayan. (Daniel 2:44) Hindi na magtatagal, malalaman ng lahat na si Jehova ang tunay na Diyos.—Basahin ang Ezekiel 36:23; Mateo 6:9.

Ano ang dapat mong gawin? Maging malapít sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aaral ng kaniyang Salita at pakikisama sa mga taong umiibig sa kaniya. Kapag niluwalhati na ni Jehova ang kaniyang pangalan, aalalahanin niya ang kaniyang tapat na mga lingkod.—Malakias 3:16.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 1 ng aklat na ito, Ano ba Talaga Ang Itinuturo ng Bibliya*?, na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova.

* [You must be registered and logged in to see this link.]

Source : w12 6/1 p. 16-17
I love you I love you I love you
colpurteur
colpurteur
Baguhan

Posts : 12
Join date : 2012-08-04

http://jw.org

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum